Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

179/376

Tayo'y Mauugat at Maitatayo sa Kanya, Hunyo 23

Kaya't kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, ay lumakad kayong gayon sa kanya, na nakaugat at nakatayo sa kanya, at matibay sa pananampalataya, gaya ng itinuro sa inyo, na sumasagana sa pasasalamat. Colosas 2:6, 7. KDB 185.1

Kailangan nating makomberti sa bawat araw. Dapat na maging higit na masikap ang ating mga panalangin; sa gayo'y magiging higit silang mabisa. Dapat na patibay nang patibay ang ating kompiyansa na sasaatin ang Espiritu ng Diyos, na ginagawa tayong dalisay at banal, na kasing tuwid at bango ng sedro ng Lebanon.—Gospel Workers, p. 272. KDB 185.2

Marami ang tumatanggap ng papuri para sa mga katangiang hindi nila tinataglay. Tinitimbang ng Tagasuri ng mga puso ang mga motibo, at madalas na itinatala Niya iyong mga nagawa ng mga taong pinuri bilang nagmumula sa pagkamakasarili at lantad na pagpapaimbabaw. Hinahatulan ng Tagasuri ng mga puso ang bawat pagkilos sa ating buhay batay sa motibong nagpakilos dito.— Ibid., p. 275. KDB 185.3

Silang nasasangkot sa paglilingkod para sa Panginoon ay nangangailangan ng higit na mataas, malalim, at malawak na karanasan kaysa sa iniisip ng karamihan. Marami sa mga kaanib na ng malaking sambahayan ng Diyos ang kakaunti ang nalalaman kung ano ang kahulugan ng pagtingin sa Kanyang kaluwalhatian, at mabago mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Marami ang mayroong takipsilim na pananaw sa karangalan ni Cristo, at napupuno ng kagalakan ang kanilang mga puso. Ninanasa nila ang mas puno, mas malalim na pagkadama ng pag-ibig ng Manunubos. . . . KDB 185.4

Ang Banal na Espiritu ay gumagawa kasama silang nais magawan, hinuhubog silang nais mahubog, hinuhugis silang nais mahugis. Bigyan ninyo ang inyong sarili ng kultura ng mga kaisipang espirituwal at banal na pakikipag-ugnayan. Mga unang sikat pa lamang ng bukang-liwayway ng Kanyang kaluwalhatian ang inyong nakikita. Habang nagpapatuloy kayo sa pagkilala sa Panginoon, malalaman ninyo na “ang landas ng matuwid ay parang liwanag ng bukang- liwayway, na sumisikat ng higit at mas maliwanag hanggang maging ganap na araw.”— Ibid., p. 274. KDB 185.5