Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Napalilibutan ng Isang Banal na Kalasag, Mayo 3
“At tumawag ka sa Akin sa araw ng kabagabagan; ililigtas kita, at luluwalhatiin mo Ako,” Awit 50:15, TKK 133.1
Kapag nagbangon ang mga pagsubok na tila hindi maipaliwanag, hindi natin dapat na pahintulutang masira ang ating kapayapaan. Gaano man kawalang katuwiran ang pagtrato sa atin, huwag ninyong pabayaang magising ang mabigat na damdamin. Sinusugatan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa espiritu ng pagganti. Sinisira natin ang sarili nating pagtitiwala sa Diyos, at pinapalungkot ang Banal na Espiritu. Nasa ating tabi ang isang Saksi, isang makalangit na sugo, na magtataas para sa atin ng watawat laban sa kaaway. Ikukulong Niya tayo sa maliliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran. Sa labas nito'y hindi makakapasok si Satanas. TKK 133.2
Hindi niya malalagpasan ang kalasag na ito ng banal na kaliwanagan. Habang sumusulong ang sanlibutan sa kasamaan, hindi dapat natin lokohin ang ating sarili na hindi tayo magkakaroon ng mga kahirapan. Ngunit ito mismong mga kahirapang ito ang nagdadala sa atin sa tanggapan ng Kataastaasan. Maaari tayong humingi ng payo sa Isa na may walang hanggang karunungan. TKK 133.3
Sinasabi ng Panginoon, “At tumawag ka sa Akin sa araw ng kabagabagan; ililigtas kita, at luluwalhatiin mo Ako” (Awit 50:15). Inaanyayahan Niya tayo na ibigay sa Kanya ang ating mga kagulumihanan at pangangailangan, at ang ating pangangailangan para sa banal na tulong. Sinasabihan Niya tayong agad na manalangin. Sa sandaling bumangon ang mga kahirapan, dapat nating ihandog sa Kanya ang ating mga tapat at masikap na panalangin. Sa pamamagitan ng ating masusugid na panalangin nagpapatotoo tayo sa ating matibay na pagtitiwala sa Diyos. Dinadala tayo ng ating pangangailangan na manalangin nang masikap, at nakikilos ang ating Ama sa langit ng ating mga panalangin. TKK 133.4
Madalas na silang nagdurusa ng kahihiyan o pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya ay natutuksong isipin na sila'y pinabayaan ng Diyos. Sa mata ng mga tao sila ang nasa kakaunti. Kung titingnan nagtagumpay ang kanilang mga kalaban sa kanila. Ngunit hindi nila dapat labagin ang kanilang konsensya. Siyang naghirap para sa kanila, at nagpasan ng kanilang kalumbayan at kahirapan ay hindi sila pinabayaan. TKK 133.5
Hindi pinapabayaan ang mga anak ng Diyos na nag-iisa at walang katulong. Kinikilos ng panalangin ang bisig ng Makapangyarihan sa lahat. Ang panalangin ay “lumupig ng mga kaharian, naglapat ng katarungan, nagtamo ng mga pangako, nagpatikom ng mga bibig ng mga leon, pumatay ng bisa ng apoy”—malalaman natin ang kahulugan nito kapag nakarinig tayo ng mga balita tungkol sa mga martir na namatay para sa kanilang pananampalataya— “nagpaurong ng mga hukbong dayuhan” (Hebreo 11:33, 34).— CHRIST’S OBJECT LESSONS, pp. 171,172 . TKK 133.6