Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Nagtatayo sa Ibabaw ng Bato, Abril 30
“Kaya't ang bawat nakikinig sa mga salita Kong ito at ginaganap ang mga ito ay matutulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato” Mateo 7:24. TKK 129.1
Habang nakatayo kayo ngayon, at nakikita ang mga depekto sa inyong karakter sa liwanag ng dakilang pamantayang moral ng Diyos, hindi ba ninyo sasabihin, “Babawiin ko ang nakalipas; hahayo ako upang gumawa sa ubasan ng Panginoon”? Hindi ba ninyo panghahawakan ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng nabubuhay na pananampalataya, at aangkinin ang katuwiran ni Cristo, at hahanapin na nagniningning sa inyong buhay ang liwanag ng kalangitan? Dapat na dalhin ninyo si Cristo sa bawat pag-iisip at gawain. Ginagawang walang halaga ang isang mahinang nagdudugtong sa kadena, at gagawin kayong hindi handa na pumasok sa kaharian ng langit ng isang depekto sa inyong karakter. Dapat na isaayos ninyo ang lahat ng bagay. Ngunit hindi ninyo magagawa ang dakilang gawaing ito na walang tulong ng Diyos. Nakahanda ka bang tanggapin ang mga pangako ng Diyos, at gawin ang mga ito na inyong sarili sa pamamagitan ng nabubuhay na pananampalataya sa Kanyang salitang hindi nagbabago? TKK 129.2
Dapat kayong lumakad sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng damdamin. Ayaw natin sa isang makapukaw-damdamin na relihiyon; kundi ninanais natin ang relihiyon na nakatayo sa matalinong pananampalataya. Itinatanim ng pananampalatayang ito ang kanyang mga paa sa walang hanggang bato ng Salita ng Diyos. Silang lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya ay palaging nagnanasa para sa kasakdalan ng karakter sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod kay Cristo. Nagbigay ng Kanyang mga utos ang Kapitan ng ating kaligtasan, at kailangan nating magbigay ng hayag na pagsunod; ngunit kung sasaraduhan natin ang Aklat na nagpapahayag ng Kanyang kalooban, at hindi nagtatanong, o nagsasaliksik, o nagsisikap na makaunawa, paano natin magagampanan ang mga obligasyon nito? Matatagpuan tayong kulang sa huli, kung susundan natin ang landas na ito.. TKK 129.3
Nalalapit tayo sa isang krisis, at nangangamba ako para sa ating mga kaluluwa. Bakit may mga taong iniiwanan ang kanilang pananampalataya? Naroon ba tayo sa katayuan kung saan malalaman natin kung ano ang sinasampalatayanan natin, at hindi tayo maliliglig? Hindi tayo dapat na panghinaan ng loob kahit konti dahil iniiwanan ng mga kaluluwa ang katotohanan, kundi hanapin natin nang higit na masikap ang pagpapala ng Diyos. Hindi ang edukasyon, talento, o posisyon ng mga tao ang magliligtas sa kanila. Dapat tayong iniingatan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya tungo sa kaligtasan. TKK 129.4
Paano ka nakatayo sa harapan ng Diyos ngayon? Ang katanungan ay hindi Paano ka tatayo sa araw ng kaguluhan, o sa isang panahon sa hinaharap? Kundi paano ang iyong kaluluwa ngayon? Gagawa ka ba ngayon? Nais natin ng personal at indibiduwal na karanasan ngayon. Ngayon, nais natin si Cristo na nananahan sa atin.— REVIEW AND HERALD, April 9,1889 . TKK 129.5