Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Si Juan na Tagapaghayag, Setyembre 30
Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis alang-alang kay Jesus ay nasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesus, Apocalipsis 1:9, TKK 287.1
Sa mga panlabas na anyo ang kaaway ng katotohanan ay nagtatagumpay; ngunit ang kamay ng Diyos ay gumagawang hindi nakikita sa kadiliman. Hinahayaan ng Panginoon ang Kanyang mga lingkod na malagay kung saan si Cristo ay makapag-bibigay sa kanya ng higit pang kahanga-hangang kapahayagan ng Kanyang sarili kaysa natanggap na niya; kung saan maaari niyang matanggap ang pinakamahalagang kaliwanagan para sa mga iglesya. Hinahayaan Niya silang malagay sa pag-iisa, upang ang kanyang pandinig at puso ay maging lalong handa para pakinggan at tanggapin ang mga paghahayag na Kanyang ibibigay. Ang taong nagpatapon kay Juan ay hindi napapawalang sala sa bagay na iyon, ngunit siya ay naging instrument sa kamay ng Diyos para isagawa ang Kanyang walang hanggang layunin; ang mismong pagsisikap para alisin ang liwanag ay naglagay sa katotohanan sa maayos na kalagayan. TKK 287.2
Nailayo si Juan sa pakikisama ng kanyang mga kapatiran, ngunit walang sinumang tao ang makapaglalayo sa kanya sa pakikisama ni Cristo. Isang dakilang liwanag ang sisinag mula kay Cristo tungo sa Kanyang lingkod. Nagbabantay ang Panginoon sa Kanyang tagasunod na ipinatapon, at pinagkalooban siya ng isang kahanga-hangang kapahayagan ng Kanyang sarili. Lubos na pinagpala ang kanyang minamahal na alagad. Kasama ang ibang mga alagad siya ay naglakad at nakipag-usap kay Jesus, na natututo sa Kanya at nagpapakabusog sa Kanyang mga salita. Madalas na naipapatong ang ulo niya sa dibdib ng kanyang Tagapagligtas. Ngunit kailangan rin niyang makita Siya sa Patmos. TKK 287.3
Ang Diyos at si Cristo at ang mga hukbo ng langit ang mga kasama ni Juan sa malungkot na isla, at mula sa kanila ay tumanggap siya ng habilin na napakahalaga. Doon ay isinulat niya ang mga pangitain at mga pahayag na tinanggap niya mula sa Diyos, na sinasabi ang mga bagay na mangyayari sa pagtatapos ng mga huling kaganapan sa kasaysayan ng sanlibutan. Nang ang kanyang tinig ay hindi na makapagpapatotoo para sa katotohanan, ang mga mensaheng tinanggap niya sa Patmos ay hahayo bilang nag-aapoy na ilawan. Mula sa mga ito ang mga lalaki at babae ay matututuhan ang mga layunin ng Diyos, hindi ang mga bagay tungkol sa bansang Judio lamang, kundi may kinalaman sa bawat bansa sa sanlibutan.— SIGNS OF THE TIMES, March 22,1905 . TKK 287.4