Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Abraham, Setyembre 3
Pagkatapos ng mga bagay na ito, dumating ang salita ng PANGINOON kay Abram sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila,“... Siya'y dinala niya sa labas at sinabi, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo,” At sinabi sa kanya, “Magiging ganyan ang iyong binhi,” Sumampalataya siya sa PANGINOON; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kanya. Genesis 15:1-6. TKK 260.1
Pinanukala ng Diyos na si Abraham ay maging daluyang ng liwanag at pagpapala na siya'y magkaroon ng impluwensiyang magtipon, at upang magkaroon ang Diyos ng Kanyang bayan sa lupa. Si Abraham ay dapat maging nasa sanlibutan, naglalarawan ng buhay at karakter ni Jesus. Nang tanggapin niya ang tawag ng Diyos, hindi kilala si Abraham, hindi isang tagapagbigay kautusan, hindi rin isang mananakop. Isa siyang simpleng pastol, na nakatira sa mga tolda, ngunit nagpapaupa ng malaking bilang ng mga manggagawa para ipagpatuloy ang kanyang isang simpleng trabaho. At ang pagkilalang kanyang natanggap ay dahil sa kanyang katapatan sa Diyos, ang kanyang istriktong integridad at matuwid na pakikitungo. TKK 260.2
Sinabi sa Kanya ng Panginoon: “Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin; yamang si Abraham ay magiging isang dakila at makapangyarihang bansa, at ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain sa pamamagitan niya? Hindi, sapagkat siya'y aking pinili upang kanyang tagubilinan ang kanyang mga anak at sambahayan pagkamatay niya, na maingatan ang daan ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng kabanalan at kahatulan; upang maibigay ng Panginoon kay Abraham ang ipinangako niya sa kanya” (Genesis 18:17-19). TKK 260.3
Ang hindi makasariling buhay ni Abram ay ginawa siyang tunay na “naging panoorin ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao” (1 Corinto 4:9). At sinabi ng Panginoon na pagpapalain Niya yaong mga magpapala kay Abraham, at parurusahan Niya yung mga magmamalabis o mananakit sa kanya. Sa pamamagitan ng karanasan ni Abraham sa kanyang buhay relihiyon ang isang tamang pagkakilala kay Jehova ay naipahayag sa libu-libo, at ang liwanag niya ay nagbibigay sinag sa lahat sa daanan nilang mga nagsasagawa ng kabanalan, ang pananampalataya, ang debosyon, at ang pagsunod ni Abraham. TKK 260.4
Si Abraham ay may pagkakilala kay Cristo, sapagkat nagbigay liwanag ang Panginoon tungkol sa Manunubos ng sanlibutan. At kanyang ipinakilala sa kanyang sambahayan at kanyang mga anak na ang sakripisyong handog ay sumisimbulo kay Cristo, ang kordero ng Diyos, na papatayin para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Sa gayon kanyang tinipon ang mga nabago upang maniwala sa iisang tunay at buhay na Diyos.— THE YOUTH’S INSTRUCTOR, March 4, 1897. TKK 260.5