Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Pagkadama ng Pangangailangan ng Espiritwal na mga Kaloob, Hulyo 31
Nagpapasalamat ako sa kanya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagkat ako'y itinuring niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kanya, Kahit na noong una ako'y isang lapastangan, mang-uusig at mang-aalipusta, gayunma'y kinahabagan ako, sapagkat sa kamangmangan ay ginawa ko iyon sa kawalan ng pananampalataya, at labis na sumagana sa akin ang biyaya ng ating Panginoon na may pananampalataya at pag-ibig na na kay Cristo Jesus, 1 Timoteo 1:12-14, TKK 224.1
Yaong mga magiging matagumpay sa pag-akay sa kaluluwa kay Cristo ay dapat nagtataglay sa kanilang sarili ng impluwensiya ng Espiritu Santo. Ngunit gaano kaliit ang kaalaman na may kinalaman sa paggawa ng Espiritu ng Diyos. Gaano kakaunti ang sinasabi tungkol sa kahalagahan ng mapagkalooban ng Banal na Espiritu, gayunman ay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ang mga tao ay mailalapit kay Cristo, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang kapangyarihan malilinis ang kalululuwa. Sinabi ng Tagapagligtas: “At pagdating niya, kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan” (Juan 16:8). TKK 224.2
Ipinangako ni Cristo ang kaloob ng Banal na Espiritu sa Kanyang iglesya, ngunit gaano kaliit na pinahahalagahan ang pangakong ito. Gaano kabihira na ang kapangyarihan ng Espiritu ay nadarama ng iglesya; gaano kadalang banggitin ang kapangyarihan sa mga tao. Sinabi ng Tagapagligtas: “Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem” (Mga Gawa 1:8). Sa pagtanggap ng kaloob na ito, ang lahat ng mga kaloob ay mapapasaatin; sapagkat magkakaroon tayo ng mga kaloob na ito ayon sa karamihan ng kayamanan ng biyaya kay Cristo, at handa Siyang magkaloob sa lahat ng kaluluwa ayon sa kakayahang tumanggap. Sa gayon huwag tayong masiyahan sa kakaunti lamang na mga pagpapala, yaonlamang sukat kung saan makapag-iingat sa pagkahiga sa kamatayan, sa halip ay masigasig nating hanapin ang kasaganaan ng biyaya ng Diyos. TKK 224.3
Nagbibigay ang Diyos na ang Kanyang bumabagong kapangyarihan ay nararamdaman sa kabuuan ng malaking kapulungan. O, ang kapangyarihan ng Diyos ay matanggap ng bayan. Ang kailangan natin ay ang araw-araw na kabanalan. Kailangan nating saliksikin ang mga Kasulatan araw-araw, at manalanging taimtim upang sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos ay maiangkop ang bawat isa sa atin na gumawa sa ating lugar sa Kanyang bukirin. Walang sinuman ang handang magturo at magpalakas sa iglesya maliban na kanyang tinanggap ang kaloob na Banal na Espiritu.— REVIEW AND HERALD, March 29,1892. TKK 224.4