Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

187/366

Isang Pananampalatayang Kaloob ng Diyos, Hulyo 5

Sa iba'y ang pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at sa iba'y ang mga kaloob ng pagpapagaling sa pamamagitan ng isang Espiritu, 1 Corinto 12:9, TKK 198.1

Isang kaloob din ng Diyos ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang pagsang-ayon ng pagkaunawa ng tao sa salita ng Diyos, na itinatali ang puso ng tao sa paglilingkod sa Diyos. At kanino ang pagkaunawa ng tao, kung hindi ito sa Diyos? Kanino ang puso, kung hindi sa Diyos? Ang magkaroon ng pananampalataya ay pagkakaloob sa Diyos ng talino at lakas, na tinanggap natin mula sa Kanya; kaya nga yung mga ginagamit ang pananampalataya sa kanilang sarili ay hindi nararapat sa papuri. Yung mga matibay na naniniwala sa makalangit na Ama na maaari silang magtiwala sa Kanya na walang limitasyon; yung mga sa pamamagitan ng pananampalataya ay makaaabot sa kabila ng walang-hanggang reyalidad, ay dapat magbuhos ng pag-amin sa kanilang Manlilikha na “ang lahat na bagay ay nagmumula sa iyo, at ang sa iyo ang aming ibinigay sa iyo” (1 Cronica 29:14). TKK 198.2

Walang sinumang tao ang may karapatang magsabi na siya ay sa kanyang sarili. At walang simumang tao ang nagmamay-ari ng anumang mabuti na masasabi niyang sarili niya. Ang bawat tao, bawat bagay, ay pag-aari ng Diyos. Ang lahat ng tinanggap ng tao mula sa kasaganaan ng langit ay sa Diyos pa rin. Anumang kaalaman mayroon siya na sa anumang paraan ay nakatulong sa kanya na maging matalinong manggagawa para sa Diyos ay mula sa Panginoon, at dapat ibahagi niya sa kanyang kapwa tao upang sila rin naman ay maging mahalagang manggagawa. Siya ring pinagkatiwalaan ng Diyos ng kakaibang kaloob ay dapat magsauli sa kaban ng Diyos ng kanyang tinanggap, sa pamamagitan ng libreng pagkakaloob sa iba ng bunga ng mga pagpapala. Sa gayon ang Panginoon ay pinararangalan at naluluwalhati. . . . TKK 198.3

Hindi dapat gamitin sa makasariling bagay ang mga makalangit na kaloob na mga kakayahan. Ang bawat lakas, lahat ng mga kaloob, ay mga talentong dapat makapagdagdag sa kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit nito sa paglilingkod sa Kanya. Dapat dalhin sa pakikipagpalitan ang kanyang mga kaloob, upang Kanyang matanggap ang sa Kanyang sarili, na may tubo. Ang talentong karapatdapat sa isang tao para sa paglilingkod ay pinagkatiwalaan sa kanyang sarili hindi lamang upang siya'y maging karapatdapat na lingkod, sa halip ay upang maturuan rin niya ang iba na sa ibang bagay ay may kakulangan.— REVIEW AND HERALD, December 1,1904 . TKK 198.4