Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

186/366

Ginamit Bilang Kapangyarihan Para sa Diyos, Hulyo 4

Subalit sa bawat isa ay ibinigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan ng lahat, Sa isa ay ibinigay sa pamamagitan ng Espiritu ang salita ng karunungan, at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu, 1 Corinto 12:7, 8, TKK 197.1

Ang isang manggagawa ay maaaring handang magsalita; ang isa ay handang magsulat; ang isa ay maaaring may kaloob ng tapat, maalab, at taimtim na pananalangin; ang isa naman ay kaloob ng pag-awit; ang isa naman ay may espesyal na kakayahang ipaliwanag ang Salita ng Diyos na may kaliwanagan. At ang bawat kaloob ay dapat maging isang kapangyarihan para sa Diyos dahil kumikilos Siya sa mga manggagawa. Sa isa'y nagbigay ang Diyos ng salita ng karunungan, sa isa'y kaalaman, sa isa'y pananampalataya; ngunit gumagawa ang lahat sa ilalim ng iisang Ulo. Ang pagkakaiba-iba ng mga kaloob ay nagdadala sa pagkakaiba-iba ng mga operasyon, ngunit “iisang Diyos na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat” (1 Corinto 12:6). TKK 197.2

Nais ng Diyos na ang Kanyang mga piniling lingkod ay matutong magkaisa sa nagkakasundong pagsisikap. Maaaring sa iba ay parang ang pagkakaiba-iba ng mga kaloob nila at ng mga kaloob ng kasamang manggagawa ay napakalaki para mangyaring magkaisa sila sa nagkakasundong pagsisikap; ngunit kapag naalala nilang may magkakaibang mga isipan na kailangang abutin, at ang ilan ay tatanggi sa katotohanan sa paglalahad ng isang manggagawa, na mabubuksan ang kanilang puso sa katotohanan ng Diyos sa paglalahad sa ibang paraan sa pamamagitan ng isang manggagawa, gumawa sana silang magkakasama na may pagkakaisa. Ang kanilang mga talento, gaano man ito magkakaiba, ay maaaring mapasailalim ng pangunguna ng isang Espiritu. Sa lahat ng mga salita at kilos, mahahayag ang kabaitan at pag-ibig, at habang gumaganap na may katapatan ang bawat manggagawa sa itinalagang lugar, matutugunan ang panalangin ni Cristo para sa pagkakaisa ng Kanyang mga tagasunod, at malalaman ng sanlibutan na Kanyang mga alagad ang mga ito. TKK 197.3

Sa pakikiramay na may pag-ibig at pagtitiwala, dapat makipagkaisa sa kapwa ang mga manggagawa ng Diyos. Siyang nagsasabi o gumagawa ng anumang naghahatid sa pagkahiwalay ng mga miyembro ng iglesya ni Cristo ay gumagawa ng laban sa layunin ng Diyos. Ang pagtatalo at pag-aaway sa iglesya, ang papapalakas ng pagdududa at kawalang paniniwala, ay nagbibigay kahihiyan kay Cristo. Nais ng Diyos na palaguin ng Kanyang mga lingkod ang Cristianong pagmamahal sa isa't isa.— TESTIMONIES FOR THE cHURCH, vol. 9, pp. 144,145. TKK 197.4