Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pinapalitan ang Ating Pagmamaktol ng Pagpupuri, 19 Abril
Purihin nila ang Panginoon dahil sa kanyang tapat na pag-ibig, dahil sa kanyang kahanga-hangang mga gawa sa mga anak ng tao! Awit 107:8. LBD 114.1
Nakatakda tayong pumunta sa langit, at dapat nating ipakita ang kaakitakit na bahagi ng ating pananampalataya. Hindi tayo dapat maglakbay tulad ng grupo ng mga nagdadalamhati, dumadaing at nagrereklamo sa buong paglalakbay tungo sa bahay ng ating Ama.—The Youth’s Instructor, August 25, 1898. LBD 114.2
Wala ang tunay na katangian ng relihiyon sa mga nag-aangking Cristiano na patuloy na nagrereklamo, na para bang iniisip nilang kasalanan ang kaligayahan at masayang mukha. Iyong mga tumitingin sa magagandang tanawin ng kalikasan tulad ng pagtingin nila sa isang patay na larawan; iyong mga pinipiling tingnan ang mga patay na dahon sa halip na tipunin ang mga magagandang bulaklak; iyong mga nakahahanap ng nagdadalamhating kasiyahan sa lahat ng mapanglaw sa wikang sinasalita sa kanila ng natural na mundo; iyong mga walang nakikitang kagandahan sa mga lambak na nadaramtan ng buhay na luntian, at mga marangyang mataas na bundok na nadaramtan ng halamanan; iyong mga nagsasara ng kanilang mga pandama sa masayang tinig na nagsasalita sa kanila sa kalikasan, . . .—ang mga ito ay wala kay Cristo.— The Youth’s Instructor, March 24, 1898. LBD 114.3
Ipagpalagay na binago natin ang kaayusan ng mga bagay na ito. . . . Ipagpalagay na sinusubukan ninyong bilangin ang lahat ng inyong mga pagpapala. Kakaunting pansin lamang ang ibinigay ninyo sa kanila, at patuloy silang dumarating, na kung dumating ang kahirapan o pagdurusa, kayo ay nagdadalamhati, at iniisip na hindi makatarungan ang Diyos. Hindi ninyo inaalala kung gaano kayo nagpakita ng kaunting pasasalamat sa lahat ng mga pagpapala ng Diyos. Hindi kayo karapat-dapat sa mga ito; ngunit dahil araw-araw, at taon-taon, dumadaloy sa inyo ang mga ito, siyempre pinapansin ninyo ang mga bagay na ito, at iniisip na karapatan ninyong tumanggap ng bawat kabutihan, at hindi magbibigay ng anumang bagay bilang kapalit. . . . Ang mga pagpapala ng Diyos ay higit pa sa mga buhok ng ating ulo, at sa mga buhangin sa dalampasigan. Pagbulay-bulayin ang Kanyang pag-ibig at pag-aalaga sa atin, at maudyukan sana kayo nito ng pag-ibig na hindi magagambala ng pagsubok at hindi kayang pawiin ng paghihirap.— The Review and Herald, December 23, 1884. LBD 114.4
Kung makikita lamang natin ang maraming panganib kung saan inililigtas tayo araw-araw ng mga banal na anghel, sa halip na magreklamo sa ating mga pagsubok at kasawiang-palad, ay ipagpatuloy nating ipahayag ang awa ng Diyos.— The Review and Herald, November 19, 1908. LBD 114.5