Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

112/367

Pinapalitan ang Ating Pagsuway ng Pagpapasakop, 20 Abril

Sumunod kayo at pasakop sa mga namumuno sa inyo, sapagkat sila’y matamang nagbabantay alang-alang sa inyong mga kaluluwa bilang mga mananagot. Hayaang gampanan nila ito na may kagalakan at hindi nang may hapis, sapagkat kung ganito’y hindi ito magiging kapaki-pakinabang sa inyo. Hebreo 13:17. LBD 115.1

May ilang mga kabataang lalaki at babaeng walang paraan sa paggawa ng kanilang gawain. Bagaman palagi silang abala, kakaunti ang bungang naipapakita nila. Mayroon silang mga maling ideya tungkol sa pagtatrabaho, at iniisip nilang sila ay nagtatrabaho nang husto, na kung may tamang pamamaraan sila sa kanilang trabaho, at may katalinuhang iniangkop sa kanilang mga sarili sa kanilang dapat na gawin, mas higit pa ang kanilang matatapos sa mas maikling panahon. LBD 115.2

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga hindi gaanong importanteng bagay, natagpuan nila ang kanilang sariling nagmamadali, naguguluhan, at nalilito sa panahong sila ay tinawag upang gawin ang mga mas mahalagang tungkulin. . . . Sa mga pangyayaring tulad nito, kung saan gumagawa ng mga pagkakamali sa disiplina ng kanilang buhay ang mga kabataang lalaki at babae, magiging makasalanan ang hindi magsalita ng payo at patnubay. LBD 115.3

Lubhang maselang bagay ang sabihin sa mga tao ang kanilang mga pagka-kamali. Malamang na matutuklasan ng nagsasaway na sa mga sinaway, ang kataasan at katigasan ng ulo ang igigiit ng kanilang sarili, at ang kalooban ay nakakiling sa pagsuway at pagsalungat. Ngunit para sa lahat ng ito, ang payo ay dapat ibigay, at dapat maihayag ang mga kasalanan. Hayaan ang mga kabataang maglinang ng espiritung madaling natuturuan, upang makabuti sa kanila ang mga pagsisikap ng mga taong nagsisikap na tulungan sila. . . . LBD 115.4

Maaaring parang kailangan nating pag-aralan ang ating mga puso, at isaayos ang ating sariling mga aksyon sa sarili nating pamantayan; ngunit hindi ito ang kaso. Sisira lamang ito sa halip na magkaroon ng reporma. Ang pagbabago ay dapat magsimula sa puso, at pagkatapos ang espiritu, ang mga salita, ang ekspresyon ng hitsura, at ang mga pagkilos ng buhay, ay magpapakita ng pagbabagong naganap. Sa pagkakilala kay Cristo sa pamamagitan ng biyayang Kanyang ipinagkaloob nang sagana, tayo ay nabago. . . . Sa pagpapakumbaba ay itutuwid natin ang bawat pagkakamali at kapintasan ng karakter; sapagkat si Cristo ay nananatili sa puso, tayo ay magiging karapat-dapat para sa makalangit na pamilya sa itaas.— The Youth’s Instructor, August 31, 1893. LBD 115.5