Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

98/367

Isang Malinis na Puso ang Nabagong Puso, 6 Abril

Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Mateo 5:8. LBD 101.1

Ang karunungan mula sa itaas ay “dalisay sa una.” Sa lunsod ng Diyos ay walang makapapasok na mga marurumi. Ang lahat ng mga mananahan doon, ay magiging dalisay na puso muna dito. Sa isang taong natututo kay Jesus, makikita ang lumalagong pag-ayaw sa walang-ingat na pag-uugali, walang-ayos na pananalita, at magaspang na pag-iisip. Kapag si Cristo ang nananatili sa puso, magkakaroon ng dalisay at kagandahan ng isipan at pag-uugali. LBD 101.2

Ngunit ang mga salita ni Jesus na, “Mapapalad ang mga may malinis na puso,” ay may mas malalim na kahulugan,—hindi lang dalisay sa kahulugang naiintindihan ng mundo ang salitang kalinisan, na malaya sa mga bagay na mahalay, malaya sa kalibugan, ngunit totoo sa mga nakatagong layunin at motibo ng kaluluwa, malaya sa pagmamataas at pagkamakasarili, mapagpakumbaba, hindi makasarili, at tulad ng bata. . . . LBD 101.3

Nakikita ng mga may malinis na puso ang Diyos sa isang bago at mapagmahal na kaugnayan, bilang kanilang Manunubos; at habang nakikita nila ang kalinisan at kagandahan ng Kanyang karakter, naghahangad silang ipakita ang Kanyang larawan. Nakikita nila Siya bilang isang Amang naghahangad na yakapin ang isang nagbabalik-loob na anak na lalaki, at ang kanilang mga puso ay puno ng kagalakan. . . . LBD 101.4

Nakikitang ng mga may malinis na puso ang Lumikha mula sa mga gawa ng Kanyang makapangyarihang kamay, sa mga magagandang bagay na bumubuo ng sansinukob. Sa Kanyang nakasulat na Salita, nababasa nila nang mas malinaw ang mga paghahayag ng Kanyang awa, Kanyang kabutihan, at Kanyang biyaya. Ang mga katotohanang itinago mula sa matatalino at maiingat, ay ipinahayag sa mga sanggol. Ang kagandahan at kahalagahan ng katotohanan . . . ay patuloy na inilalantad sa mga may nagtitiwala at parang batang pagnanais na malaman at gawin ang kalooban ng Diyos. . . . LBD 101.5

Nabubuhayng ang mga may malinis na puso na parang nasa nakikitang presensya ng Diyos habang Kanyang ibinabahagi ito sa mundo. At makikita rin nila Siya nang harap-harapan sa hinaharap, walang kamatayang kalagayan, tulad ni Adan nang lumakad siya at nakipag-usap sa Diyos sa Eden. LBD 101.6

“Ngayon ay nakikita natin sa isang malabong salamin; ngunit pagkatapos ay harap-harapan na.”— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 42-45. LBD 101.7