Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

270/367

Nagbibigay Tayong Malaya Upang Ipalaganap ang Ebanghelyo, 25 Setyembre

Parangalin mo ang Panginoon mula sa iyong kayamanan, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani. Kawikaan 3:9. LBD 273.1

Hindi ba kayo pinili ng Diyos na maging sisidlan upang parangalan, upang maiparating ang ilaw at katotohanan sa mga nasa kamalian at kadiliman? Dumating sa inyo ang nagliligtas na mensahe ng katotohanan, at kung nakatanggap kayo ng espiritu ni Cristo, magkakaroon kayo ng pag-ibig sa mga kaluluwang nasa panganib.— The Youth’s Instructor, June 29, 1893. LBD 273.2

Umiikot sa lupain at sa karagatan ang mga tao para sa kapakinabangan sa lupa, at tinitiis ang kasalatan at paghihirap upang makuha ang kanilang ninanais, gayunman ay tatalikod sa mga atraksyon ng langit, at di-isinasaalang-alang ang walang-hanggang kayamanan. Ang mga taong nasa sapat na kahirapan ay ang karaniwang gumagawa ng pinakamarami upang mapanatili ang gawain ng Diyos. Mapagbigay sila sa kanilang kaunting bagay. Pinalakas nila ang kanilang mapagbigay na mga simbuyo sa pamamagitan ng patuloy na pagkamatulungin. Kapag ang kanilang mga gastos ay malapit na malapit na sa kita, ang kanilang pagnanasa sa yaman sa lupa ay walang silid o pagkakataon na mapalakas. Ngunit marami, kapag nagsisimula na silang mangalap ng yaman sa mundo, at nagsisimulang magkalkula kung gaano katagal bago nila makamit ang isang tiyak na kabuuang ito. Sa kanilang pagkabalisa upang magkaroon ng kayamanan para sa kanilang mga sarili, nabibigo silang maging mayaman sa Diyos.— The Review and Herald, December 15, 1874. LBD 273.3

Ito ang dapat ninyong maging layunin, sa anumang hanapbuhay kayo maaaring matagpuan, gawin ang inyong gawain sa paraang magluluwalhati sa Diyos. Lahat ng inyong makukuha, dapat ninyo itong gawing kapital para ipamuhunan sa bangko ng langit. Dapat itong maging kagalakan ninyo na maglaan ng kayamanan, at oras, at kakayahang magtatamo ng mga kaluluwa para kay Cristo, ipadala ang liwanag sa mga nakaupo sa kadiliman.— The Youth’s Instructor, June 29, 1893. LBD 273.4

Inordenahan ng Panginoon na ang pagkakalat ng liwanag at katotohanan sa mundo ay dapat nakasalalay sa mga pagsisikap at handog ng mga nakikibahagi sa makalangit na kaloob. Maaaring gawin Niyang mga kinatawan ng Kanyang katotohanan ang mga anghel; Maaaring Niyang ipakilala ang Kanyang kalooban, gaya ng kanyang inihayag sa utos mula sa Sinai, sa pamamagitan ng Kanyang sariling tinig; ngunit sa Kanyang walang-hanggang pagibig at karunungan ay tinawag niya ang mga tao upang maging mga kamanggagawa na kasama Niya, sa pamamagitan ng pagpili sa kanila upatig gawin ang gawaing ito.— Patriarchs and Prophets, p. 528. LBD 273.5