Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Mga Saksi Tayo ng Diyos, 24 Setyembre
Kayo’y Aking mga Saksi, sabi ng Panginoon. Isaias 43:10. LBD 272.1
Kayo’y Aking mga saksi, sabi ng Panginoon.” Salamat sa Diyos na pribilehiyo nating matawag na mga saksi para sa Diyos. Samakatuwid, kung mga saksi tayo, dapat tayong magsalita para kay Cristo, at itataas Siya sa ating mga kasama. Kapag nakikita nating lumalamig ang masigasig at relihiyosong sigasig ng sinuman sa ating mga kasama, dapat nating tulungan at hikayatin ang kagaya niya, manalangin kasama siya at para sa kanya, upang maging isa siyang tunay na saksi para sa Panginoon. . . . LBD 272.2
Dapat kayong maging mga kinatawan na ginagamit ng Diyos sa pakikipagusap sa kaluluwa. Dadalhin sa inyong alaala ang mahahalagang bagay, at sa isang pusong umaapaw sa pagmamahal ni Jesus, magsasalita kayo ng mga mahahalagang interes at impormasyon. Ang inyong kasimplihan at sinseridad ay magiging pinakamataas na kasanayan, at marerehistro ang inyong mga salita sa mga aklat ng langit bilang mga angkop na salita, na tulad ng mga gintong mansanas na nasa pilak na larawan. Gagawin sila ng Diyos na isang nakapagpapagaling na baha ng makalangit na impluwensya, gumigising ng paniniwala at hangarin, at idaragdag ni Jesus ang Kanyang pamamagitan sa inyong mga dalangin, at aangkinin sa makasalanan ang kaloob ng Banal na Espiritu, at ibubuhos ito sa kanyang kaluluwa. At magkakaroon ng kagalakan sa piling ng mga anghel ng Diyos sa isang nagsising makasalanan.— The Youth’s Instructor, May 4, 1893. LBD 272.3
Ang gawaing higit sa lahat ng gawain,—ang negosyong higit sa lahat na dapat umakit at magsangkot sa lakas ng kaluluwa,—ang gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwang inukulan ng kamatayan ni Cristo. Gawin itong pangunahin at mahalagang gawain ng inyong buhay. Gawin itong inyong espesyal na gawain sa buhay. Makipagtulungan kay Cristo sa dakila at marangal na gawaing ito, at maging mga misyonero sa bahay at sa ibang bansa. Maging handa at mahusay na gumawa sa bahay o sa malayong mga klima para sa pagliligtas ng mga kaluluwa. . . . O upang ang bata at matanda ay lubusang makomberti sa Diyos, at gampanan ang tungkuling nasa tabi nila, at gumawa samantalang may pagkakataon silang maging mga manggagawa kasama ng Diyos! Kung maganap ito, maraming mga tinig ang magpapakita ng mga papuri sa Kanya na tumawag sa kanila mula sa kadiliman tungo sa Kanyang kagila-gilalas na liwanag.— The Youth’s Instructor, May 4, 1893. LBD 272.4