Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Kung Iiwas Tayo sa Krus, Mawawalan Tayo ng Buhay na Walang-hanggan, 29 Agosto
At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Mateo 10:38. LBD 246.1
Maaari lamang magkaroon ng dalawang klase. . . . At lahat na naglalagay ng kanilang sarili sa panig ng pagtataksil ay nakatayo sa ilalim ng itim na bandila ni Satanas, at sisingilin sa pagtanggi at masamang paggamit kay Cristo. Sisingilin sila ng sinasadyang pagpapako sa Panginoon ng buhay at kaluwalhatian.— The Review and Herald, January 30, 1900. LBD 246.2
Umiiwas sa gantimpalang ipinangako sa mga matapat ang mga umiiwas sa krus.— Letter 144, 1901. LBD 246.3
Tumingin sa Kalbaryo hanggang sa matunaw ang inyong puso sa kamanghamanghang pag-ibig ng Anak ng Diyos. Wala Siyang iniwang di-tapos upang maaaring maitaas at madalisay ang nagkasalang tao. At hindi ba natin Siya ipagtatapat? Ipapahiya ba ng relihiyon ni Cristo ang tatanggap nito?—Hindi; hindi magiging pagkahamak ang pagsunod sa mga yapak ng Lalaki ng Kalbaryo. Umupo tayo araw-araw sa paanan ni Jesus, at matuto tungkol sa Kanya, na sa ating pag-uusap, ating pag-uugali, ating pananamit, at sa lahat ng ating mga gawain, maaari nating ipakita ang katotohanang namumuno at naghahari sa atin si Jesus. Tinatawagan tayo ng Diyos na lumakad sa isang patag na landas para sa mga tinubos ng Panginoon; hindi tayo dapat lumakad sa mundo. Dapat nating isuko ang lahat sa Diyos, at ihayag si Cristo sa harap ng mga tao. . . . LBD 246.4
“At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang nagsisikap na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay makakatagpo nito.” Dapat nating tanggihan ang ating sarili araw-araw, itinaas ang krus at sumunod sa mga yapak ng Panginoon. . . . LBD 246.5
Natutuwa akong hindi sarado ang araw ng probasyon. Bumagsak tayo sa pangalan ni Jesu-Cristo ng Nazaret sa Bato at masira. Sa pamamagitan ng kaamuan, pag-ibig, isang banal na pag-uusap, isang mahabagin na espiritu, ihayag si Cristo sa iba. Upang maaari tayong makapunta sa isang posisyon kung saan maipapahayag niya ang Kanyang kaluwalhatian tulad ng pagkakahayag nito sa Jerusalem nang ibinuhos ang Banal na Espiritu sa mga tao.— The Review and Herald, May 10, 1892. LBD 246.6
Para sa atin, pangako ng walang-hanggang buhay ang krus ng Kalbaryo.— Letter 15, 1892. LBD 246.7