Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

235/367

Ang Krus at ang Kautusan, 21 Agosto

Sinuman ang pantas, unawain niya ang mga bagay na ito; sinumang may pang-unawa, alamin niya ang mga ito; sapagkat ang mga daan ng Panginoon ay matuwid, ngunit natitisod sa mga iyon ang mga makasalanan. Hoseas 14:9. LBD 238.1

Naghahayag ang krus sa mga hukbo ng langit, sa mga mundong dinagkasala, at sa nagkasalang mundo, ng halagang inilagay ng Diyos sa mga tao, at ng Kanyang dakilang pag-ibig na iniibig Niya sa atin. Nagpapatotoo ito sa mundo, sa mga anghel, at sa mga tao, ang kawalangpagbabago ng banal na kautusan.— The Review and Herald, May 23, 1899. LBD 238.2

Ang kamatayan ni Cristo ay dapat maging nakakukumbinsi, walang-hanggang argumento na di-mababago ang kautusan ng Diyos gaya ng Kanyang trono. . . . Ang katotohanan na ang Kanyang sariling Anak, ang Katiyakan para sa tao, ay di-naligtas, ay isang argumentong tatayo sa lahat ng kawalang-hanggan sa harap ng banal at makasalanan, sa harap ng sansinukob ng Diyos, upang magpatotoong hindi Niya ididiskargo ang lumabag sa Kanyang kautusan. LBD 238.3

Bawat pagkakasala laban sa kautusan ng Diyos, gaano man kasandali, ay nakalagay sa pagbilang, at kapag nahawakan ang tabak ng hustisya, gagawin nito ang gawain para sa mga di-nagsisising nagkasala na gaya ng ginawa sa banal na Nagpakasakit.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1166. LBD 238.4

Sa pamamagitan ng ibinibilang na katuwiran ni Cristo, maaaring maramdaman ng makasalanan na pinatawad na siya, at malaman hindi na siya hinahatulan pa ng kautusan, dahil naaayon na siya sa lahat ng mga tuntunin nito. Isang pribilehiyo niya ito na ibilang ang kanyang sarili na walang kasalanan kapag binabasa at iniisip niya ang paghihiganting mahuhulog sa hindi naniniwala at makasalanan. Pinanghahawakan niya sa pamamagitan ng pananampalataya ang katuwiran ni Cristo. . . . Nalalamang isang makasalanan ang kanyang sarili, isang lumalabag sa banal na kautusan ng Diyos, tinitingnan niya ang perpektong pagsunod ni Cristo, sa Kanyang pagkamatay sa Kalbaryo para sa mga kasalanan ng mundo; at mayroon siyang katiyakang inaring ganap siya sa pamamagitan ng pananampalataya sa merito at sakripisyo ni Cristo. Napagtatanto niyang sinunod ng Anak ng Diyos ang kautusan para sa kanya, at di-mahuhulog ang parusa ng paglabag sa naniniwalang makasalanan. Binibihisan ng aktibong pagsunod ni Cristo ang naniniwalang makasalanan ng katuwirang nakatutugon sa mga hinihingi ng kautusan.— The Youth’s Instructor, November 29, 1894. LBD 238.5