Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Si Cristo ang Tangi Nating Daan sa Ama, 20 Agosto
Dahil dito, Siya’y may kakayahang iligtas nang lubos ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya, yamang lagi Siyang nabubuhay upang mamagitan para sa kanila. Hebreo 7:25. LBD 237.1
Paano nakipagkasundo ang Diyos sa mga tao?—Sa pamamagitan ng paggawa at merito ni Jesu-Cristo, na Siyang . . . nag-alis ng lahat ng mga balakid sa pagitan ng tao at ng mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos. Hindi nabago ang nilabag na kautusan ng sangkatauhan upang tapatin ang mga makasalanan sa kanilang bumagsak na kalagayan, kundi ipinakilala bilang sipi ng karakter ni Jehovah,—ang simbolo ng Kanyang banal na kalooban,—dinakila at kinilala sa pamamagitan ng buhay at karakter ni Jesu-Cristo. Gayunman, ibinigay ang paraan ng kaligtasan; inihayag ang walang dungis na Kordero ng Diyos bilang Isang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Tumatayo si Cristo sa lugar ng nagkasala, at inaako ang kasalanan ng mga nagkasala sa Kanyang sarili. Sa pagtingin doon sa Kahalili at Tagapanagot ng mga makasalanan, matuwid ang Panginoong Jehovah, at naging Tagapag-aring ganap din sa mga nananampalataya kay Jesus. Sa kanya na tumatanggap kay Jesus bilang kanyang katuwiran, bilang kanyang tanging pag-asa, inihayag ang pagpapatawad; sapagkat ang Diyos ay nakay Cristo na ipinagkasundo ang sanlibutan sa Kanyang sarili. Ang hustisya, katotohanan, at kabanalan ni Cristo, na siyang katanggap-tanggap sa kautusan ng Diyos, ay gumagawa ng isang daluyan kung saan nakapagpapahayag ang kaawaan sa mga nagsisisi, at nananampalatayang makasalanan. LBD 237.2
Hindi pinagkasundo sa Diyos ang mga di-naniniwala kay Cristo; ngunit nakatago kay Cristo sa Diyos ang mga may pananampalataya sa Kanya. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.”— The Youth’s Instructor, November 29, 1894. LBD 237.3
Naging tagapagdala Siya ng kasalanan at namatay sa krus upang siguruhin ang kaligtasan para sa bawat makasalanang nagsisisi at nagbabalik ng kanyang katapatan sa Diyos. Tanging sa pamamagitan lamang ni Cristo tayo makakukuha ng daan sa Ama.— The Youth’s Instructor, January 19, 1893. LBD 237.4
Sinasabi ni Jesus, “Ang lumalapit sa akin kailan man ay hindi ko itataboy.” Kinukuha ni Cristo sa Kanya ang mga kasalanan ng nagkasala, at ipinagkakaloob sa kanya ang Kanyang katuwiran, at sa pamamagitan ng Kanyang nagbabagong biyaya ay nagagawa siyang may kakayahang makisama sa mga anghel at makipag-usap sa Diyos.— The Youth’s Instructor, January 19, 1893. LBD 237.5