Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

224/367

Ipinagkasundo Tayo sa Diyos sa Pamamagitan ng Kamatayan ni Cristo, 10 Agosto

Sapagkat kung noong ngang tayo’y mga kaaway, ay pinakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak, lalo ngayong ipinagkasundo na, ay maliligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang buhay. Roma 5:10. LBD 227.1

Pinagkalooban ang krus ng isang lakas na hindi maipahayag ng wika. Pinapahiya ng pagsasakripisyo ni Cristo para sa sangkatauhan ang ating kaunting mga pagsisikap at pamamaraan upang matugunan at mapataas ang sangkatauhan, upang matulungan ang makasalanang mga kalalakihan at kababaihan na mahanap si Jesus. LBD 227.2

Dapat naiibang katangian ang gawain ng mga anak ng Diyos kaysa naipakita na ng isang malaking bilang. Kung minamahal nila si Jesus, lalawakan nila ang mga ideya ng pag-ibig na ipinahayag para sa nagkasalang tao, na nangangailangan ng pagkakaloob ng napakamahal na handog upang mailigtas ang lahi ng tao. Hinihiling ng ating Tagapagligtas ang pakikipagtulungan ng bawat anak ni Adan na naging isang anak ng Diyos. . . . Ipinahayag ng ating Tagapagligtas na nagdala Siya mula sa langit ng isang kaloob na buhay na walang-hanggan. Itataas sa krus ng Kalbaryo upang madala ang lahat ng tao sa Kanya. Papaano natin tatratuhin ang biniling mana ni Cristo? Ang kalambutan, pagpapahalaga, kabaitan, pakikiramay, at pag-ibig ay dapat ipakita sa kanila. Saka tayo maaaring gumawa upang matulungan at pagpalain ang isa’t isa. Sa gawaing ito mayroon tayong higit pa sa kapatiran ng tao. Mayroon tayong nakataas na pakikisama ng mga makalangit na anghel. Nakikipagtulungan sila sa atin sa gawain pagpapaliwanag ng mataas at mababa. LBD 227.3

Sa pakikisangkot sa gawain, ang kamangha-manghang gawain ng ating pagtubos, tinukoy ni Cristo sa konseho kasama ang Kanyang Ama na walang ititira, gaano man kamagastos, upang walang mapigil gaano man kataas na maisip ito, na magliligtas sa mahirap na makasalanan. Ibibigay niya ang buong langit sa gawaing ito ng kaligtasan, upang maibalik ang imaheng moral ng Diyos sa tao. . . . Ang ibig sabihin ng maging isang anak ng Diyos ay maging isang kasama ni Cristo sa Diyos, at mailabas ang ating mga kamay sa taimtim, nagsasakripisyong pag-ibig upang mapalakas at pagpalain ang mga kaluluwang namamatay sa kanilang mga kasalanan.— Letter 10, 1897. LBD 227.4