Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Mga Anak ng Diyos sa amagitan ng Dugo ni Cristo, 9 Agosto
Kaya nga, mga kapatid, yamang mayroon tayong pagtitiwala na pumasok sa santuwaryo sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, na Kanyang binuksan para sa atin ang isang bato at buhay na daan, sa pamamagitan ng tabing, samakatuwid ay sa kanyang laman. Hebreo 10:19, 20. LBD 226.1
Ipinako si Cristo sa krus sa pagitan ng ikatlo at ikaanim na oras, iyon ay sa pagitan ng siyam at labindalawang oras. Hapon Siya namatay. Ito ang oras ng panggabing hain. Kung gayon ang tabing ng templo, na nagtago sa kaluwalhatian ng Diyos mula sa pananaw ng kapisanan ng Israel, ay napunit sa dalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba. LBD 226.2
Kailangang manatiling hayag sa pamamagitan ni Cristo ang nakatagong kaluwalhatian ng banal ng mga banal. Naranasan Niya ang kamatayan na para sa bawat tao, at sa pamamagitan ng handog na ito, magiging mga anak ng Diyos ang mga anak ng tao. Sa bukas na mukha, na nakikita na sa isang baso ang kaluwalhatian ng Panginoon, mababago ang mga mananampalataya kay Cristo sa iisang imahe, mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian. Ang luklukan ng awa, kung saan namamalagi ang kaluwalhatian ng Diyos sa pinakabanal sa lahat, ay binubuksan sa lahat na tumatanggap kay Cristo bilang kabayaran sa kasalanan, at sa pamamagitan ng paraan nito, dinala sila sa pakikisama sa Diyos. Napunit ang tabing, nasira ang mga pader ng pagkahati, Natanggal ang sulat ng mga ordenansa. Natanggal ang pagkapoot sa pamamagitan ng birtud ng Kanyang dugo.— Letter 230, 1907. LBD 226.3
Ang simpleng kuwento ng krus ni Cristo, ang Kanyang pagdurusa at pagkamatay para sa mundo, ang Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat, ang Kanyang pamamagitan sa kapakanan ng makasalanan sa harap ng Ama, nasasakop at nababasag ang matigas at makasalanang puso, at dinadala ang makasalanan sa pagsisisi. Inilalagay ng Banal na Espiritu ang bagay na ito sa harap niya sa isang bagong liwanag, at napagtatanto ng makasalanan na isang napakalaking kasamaan ang kasalanan na nagresulta ng ganoong sakripisyo para matubos ito. . . . Gaano kalubha ang kasalanan na wala nang mas bababa pang lunas kaysa kamatayan ng Anak ng Diyos na maaaring magligtas sa tao mula sa mga kahihinatnan ng kanyang pagkakasala. Bakit ginawa ito para sa tao?—Dahil iniibig siya ng Diyos, at hindi Niya ninanais na may mapahamak, ngunit kailangang magsisi ang lahat, maniwala kay Jesus bilang isang personal na Tagapagligtas, at magkaroon ng buhay na walang-hanggan.— The Youth’s Instructor, January 19, 1893. LBD 226.4