Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pagbabago ng Lakas, 31, Hulyo
Ngunit silang mga naghihintay sa Panginoon ay pagpapanibagong lakas; sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila, sila’y tatakbo at hindi mapapagod; sila’y lalakad, at hindi manghihina. Isaias 40:31. LBD 217.1
Para matagumpay na makipaglaban, kailangang magkaroon ng tapang at lakas ang isang sundalo. Sa ating mga sarili, tayo ay mahina at marupok. Ngunit may pangako sa atin na, “silang mga naghihintay sa Panginoon ay mababagong lakas.”— Letter 156, 1903. LBD 217.2
Lalabas ang mga hadlang sa pagsulong ng gawain ng Diyos; subalit huwag matakot. Sa makapangyarihan sa lahat na Hari ng mga hari, ang ating Diyos na tumutupad sa Kanyang tipan, ay pinag-iisa ang kahinahunan at pag-aalaga ng isang mapagmahal na pastol. Walang makatatayo sa Kanyang daan. Tiyak ang Kanyang kapangyarihan, at ito ang garantiya ng siguradong kaganapan ng Kanyang pangako sa Kanyang bayan. Kaya Niyang alisin ang lahat ng hadlang para sa ikasusulong ng Kanyang gawain. Mayroon Siyang paraan para tanggalin ang bawat kahirapan, upang mailigtas ang mga naglilingkod sa Kanya at gumagalang sa mga pamamaraang ginagamit Niya. Walang katapusan ang kanyang kabutihan at pag-ibig, at di-mababago ang Kanyang pangako. LBD 217.3
Tila ba matibay at maayos na naitayo ang mga plano ng mga kaaway ng Kanyang gawain, ngunit Kaya Niyang itapon ang pinakamalakas sa mga planong ito, at gagawin Niya ito. Kapag nakikita na Niyang sapat nang nasubok ang ating pananampalataya at naaakit na tayo at ginagawa Siyang ating tagapayo. LBD 217.4
Sa pinakamadilim na mga araw, kapag tila pinakapinagbabawal ang paglabas, huwag matakot. Manampalataya sa Diyos. Ginagawa Niya ang Kanyang kalooban, ginagawang maayos ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng Kanyang bayan. Magbabago araw-araw ang lakas ng mga umiibig at naglilingkod sa Kanya. Mailalagay ang Kanyang pang-unawa sa kanilang paglilingkod. Upang hindi sila magkamali sa pagdadala ng Kanyang mga layunin. LBD 217.5
Wala dapat mawawalan ng pag-asa sa paglilingkod sa Diyos. Kailangang kayanin ng ating pananampalataya ang mga kahirapang dala nito. May kakayahan at handa ang Diyos na magbigay sa Kanyang mga lingkod ng lahat ng kalakasang kailangan nila. Mas higit Niyang tutuparin ang pinakamataas na inaasahan ng mga naglalagay ng kanilang tiwala sa Kanya.— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 10, 11. LBD 217.6