Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

213/367

Sumasa Kanyang mga Anak ang Diyos, 30, Hulyo

Huwag kang matakot, sapagkat Ako’y kasama mo; Aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin Kita mula sa kanluran; Aking sasabihin sa hilaga, at sa timog, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang Aking mga anak na lalaki na sa malayo nagmula, at ang Aking mga anak na babae na mula sa dulo ng lupa. Isaias 43:5, 6. LBD 216.1

Kailangan nating gawin ang gawain na may buong kagalakan at pagasa. Huwag natin ituon ang ating mga paningin sa mga nakayayamot na bahagi ng ating karanasan, at gawing puno ng saya ang ating mga salita. Maaari nating palibutan ang ating mga sarili ng isang maaraw na kapaligiran, o ng kapaligirang nakargahan ng kalungkutan. Turuan natin ang ating mga sarili na mag-usap tungkol sa kagitingan. Matuto tayo sa mga liksyon mula sa halimbawa ni Cristo. Hindi nagpahina sa Kanya kahit na ang kanyang napakahirap na pagpapakababa sa mga kamay ng mga Judio at Romanong sundalo,—ang natanggap Niyang pagsubok na may pangungutya at matinding trato.— Letter 115, 1904. LBD 216.2

Panghawakang matibay ang pasimula ng inyong pagtitiwala hanggang sa huli. Ang pagliwanag sa gitna ng kadiliman ng kamalian ang babalot sa sanlibutan. Kailangang mabuksan ang Salita ng Diyos sa mga matataas na lugar sa mundo, ganoon din sa mga mas mabababa. Ahensya ng Diyos ang iglesia ni Cristo para sa paghahayag ng katotohanan; siya ay pinalakas Niya para gumawa ng espesyal na gawain; at kung tapat siya sa Diyos, masunurin sa Kanyang kautusan, mananahan sa kanya ang kahusayan ng banal na kapangyarihan. Kung pararangalan niya ang Panginoong Diyos ng Israel, walang kapangyarihan ang makatatayo laban sa kanya. Kung magiging totoo siya sa kanyang katapatan, hindi na siya madadaig ng puwersa ng kaaway kaysa pagpigil ng dayami sa ipo-ipo. LBD 216.3

Sa harapan ng iglesia ay mayroong bukang liwayway ng isang maliwanag, maluwalhating araw, kung isusuot niya ang balabal ng katuwiran ni Cristo, at aalisin ang lahat ng pakikipagkaisa sa sanlibutan. . . . Dadaloy mula kay Cristo ang batis ng kaligtasan. . . . Kung panghahawakan natin ang Kanyang kalakasan na may pananampalataya, babaguhin Niya, kamangha-manghang babaguhin, ang mga pinakawalang pag-asa, at nakapanghihinang pananaw. Gagawin niya ito para sa kaluwalhatian ng Kanyang pangalan.— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 11, 12. LBD 216.4