Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

203/367

Dalawang Matapang na Kabataang Lalaki ang Nagruta sa mga Filisteo, 20 Hulyo

Sinabi ni Jonathan sa kabataang tagadala ng kanyang sandata. Halika at tayo ay dumaan sa himpilan ng mga hindi tuling ito. Marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin sapagkat walang makakahadlang sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti. 1 Samuel 14:6. LBD 206.1

Kay Jonathan, na anak ni Saul, nakita ng Panginoon ang isang taong may dalisay na integridad,—isang taong Kanyang mailalapit sa Kanya, at pusong makikilos Niya. . . . LBD 206.2

Nagbigay ng ebidensya ang dalawang ito na kumikilos sila sa ilalim ng impluwensya at dikta ng isang higit pa sa taong heneral. Sa panlabas na anyo, pabigla-bigla ang kanilang pakikipagsapalaran, at salungat sa lahat ng mga batas sa militar. Subalit hindi gawa ng pantaong pabigla-bigla ang naging kilos ni Jonathan. Hindi siya dumipende sa kung ano ang magagawa niya at ng kanyang mga armadong tauhan; Siya ang instrumentong ginamit ng Diyos para sa kapakanan ng Kanyang bayang Israel. Gumawa sila ng kanilang mga plano, at inilagay ang kanilang layunin sa mga kamay ng Diyos. Kung hahamunin sila ng mga hukbo ng mga Filisteo, sasabak sila. Kung sasabihin nilang, Halikayo, susulong sila. . . . Humingi si Jonathan at ang kanyang mga armadong tauhan ng isang tanda ng Panginoon; at sa pagdating ng hamon, ibinigay ang tanda. Inilagay ng dalawang taong ito ang kanilang pag-asa sa Diyos, at nagpatuloy. Hindi naging madali ang daan para sa mga matapang na mga nakikipagsapalaran. Mahirap ang naging pag-akyat upang marating ang tuktok. . . . LBD 206.3

Maaaring magiging madali lamang sa mga Filisteo na patayin ang dalawang matapang at mapangahas na mga lalaking ito; ngunit hindi nila naisip na umakyat ang dalawang lalaking ito na may masamang balak. Tumingin ang mga nagtatakang mga lalaki na nasa itaas, masyadong nagulat para maunawaan ang posible nilang kalaban. Ipinalagay ng mga Filisteo na mga pugante ang mga taong ito, at pinapasok sila ng maayos. . . . “At sila’y nangamatay sa harapan ni Jonathan at ng kanyang tagapagdala ng sandata.” LBD 206.4

. . . Nagdulot ng pagkataranta ang mapusok na gawaing ito sa loob ng kampo. Nakahandusay doon ang patay na mga katawan ng 20 tao, at sa paningin ng mga kaaway ay tila mayroong daan-daang mga tao ang nahahandang makipaglaban. Nailantad ang mga hukbo ng langit sa mga kalabang hukbo ng mga Filisteo.— The Youth’s Instructor, November 24, 1898. LBD 206.5