Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

153/367

Sinusundan Natin si Cristo sa Pakikisalo, 31 Mayo

Sa gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan na sinasabi, Ang kopang ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito tuwing kayo’y iinom nito, sa pag-aalaala sa akin. 1 Corinto 11:25. LBD 156.1

Nakatayo si Cristo sa punto ng paglipat sa pagitan ng dalawang ekoInomiya at ng kanilang dalawang dakilang kapistahan. . . . Habang kumakain siya ng Paskuwa kasama ng Kanyang mga alagad, itinatag niya sa halip na ito ang serbisyong magiging alaala ng Kanyang dakilang sakripisyo. Mawawala na magpakailan man ang pambansang pagdiriwang ng mga Judio. Dapat sundin ng Kanyang mga tagasunod sa lahat ng lupain at sa lahat ng panahon ang paglilingkod na itinatag ni Cristo. . . . Hanggang sa dumating Siya sa ikalawang pagkakataon na may kapangyarihan at kaluwalhatian, dapat ipagdiwang ang ordinansang ito.—The Desire of Ages, pp. 652, 653. LBD 156.2

Sa mga ito, ang Kanyang sariling mga tipanan, na sinasalubong ni Cristo ang Kanyang bayan, at pinalalakas sila sa pamamagitan ng Kanyang presensya. . . . Pagpapalain ang lahat ng lumalapit na ang kanilang pananampalataya ay nakatuon sa Kanya. Mawawaglit ang lahat ng nagpapabaya sa mga panahong ito ng banal na pribilehiyo. Para sa mga ito ay angkop na sabihing, “Hindi lahat sa inyo ay malilinis.” . . . LBD 156.3

Ngunit hindi dapat maging isang panahon ng kalungkutan ang Pakikisalo. Hindi ito ang layunin nito. Hindi nila dapat isiping muli ang pagkakaiba sa pagitan nila at ng kanilang mga kapatid. Sinasakop ng seremonya ng paghahanda ang lahat ng ito. . . . Ngayon ay lumapit sila upang makipagkita kay Cristo. Hindi sila dapat tumayo sa lilim ng krus, kundi sa nagliligtas na liwanag nito. Dapat nilang buksan ang kaluluwa sa maliwanag na mga sinag ng Araw ng Katuwiran. Na may mga pusong nilinis ng pinakamahalagang dugo ni Cristo, sa lubos na kamalayan ng Kanyang presensya, bagaman di-nakikita, dapat na marinig nila ang Kanyang mga salita, “Ang kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo.” . . . LBD 156.4

Tumutukoy ang Pakikisalo sa ikalawang pagparito ni Cristo. Dinisenyo ito upang mapanatiling malinaw ang pag-asang ito sa isipan ng mga alagad. LBD 156.5

. . . Sa kanilang kapighatian, natagpuan nila ang kaaliwan sa pag-asa ng pagbabalik ng kanilang Panginoon. Di-masabi ang halaga para sa kanila ng isipang, “Sa tuwing kainin ninyo ang tinapay na ito at inuman ang kopa, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating siya.”— The Desire of Ages, pp. 656, 659. LBD 156.6