Pauwi Na Sa Langit

135/364

Magagandang Panalangin, Mayo 15

Ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa ay may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga banal. Apocalipsis 5:8. PnL

Ngunit hindi pa alam ng mga alagad ang walang limitasyong panustos at kapangyarihan ng Tagapagligtas. Sinabi Niya sa kanila, “Hanggang ngayon ay wala pa kayong hinihingi sa pangalan Ko.” (Juan 16:24.) Ipinaliwanag Niyang ang lihim ng kanilang tagumpay ay sa pamamagitan ng paghingi ng lakas at biyaya sa Kanyang pangalan. Siya’y nasa harap ng Ama para humiling para sa kanila. Ang panalangin ng mapagpakumbabang nananalangin ay Kanyang ihaharap bilang Kanya para sa kabutihan ng kaluluwang iyon. Bawat taimtim na panalangin ay naririnig sa langit. Ito man ay hindi mahusay na naipahayag; ngunit kapag naroon ang puso, aakyat ito sa santuwaryo kung saan nagmiministeryo si Jesus, at ipakikita Niya ito sa Ama na hindi nahihiya, nauutal na salita, maganda at masamyo na may insenso ng Kanyang kasakdalan. PnL

Ang landas ng katapatan at integridad ay hindi daan na walang sagabal, ngunit sa bawat kahirapan ay may panawagan para sa panalangin. Wala ni isang nabubuhay na may anumang kapangyarihan na hindi galing sa Diyos, at ang pinanggalingan kung saan ito nagmula ay bukas para sa pinakamahinang tao. “Anumang hilingin ninyo sa Aking pangalan,” sabi ni Jesus, “ay gagawin Ko, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak, kung hihiling kayo ng anumang bagay sa aking pangalan. Gagawin ko ito.” PnL

“Sa Aking pangalan,” inanyayahan ni Cristo ang Kanyang mga alagad na manalangin. Sa ngalan ni Jesus dapat tumayo ang Kanyang mga tagasunod sa harap ng Diyos. Sa pamamagitan ng halaga ng handog na ginawa para sa kanila, may halaga sila sa paningin ng Panginoon. Dahil sa ipinagkaloob na katuwiran ni Cristo, itinuring silang mahalaga. Dahil kay Cristo pinatawad ng Panginoon silang natatakot sa Kanya. Hindi Niya nakikita sa kanila ang karumihan ng makasalanan. Nakikilala Niya sa kanila ang larawan ng Kanyang Anak, na pinaniniwalaan nila. PnL

Nabibigo ang Panginoon kapag pinabababa ng Kanyang bayan ang pagpapahalaga sa kanilang mga sarili. Ninanais Niyang pahalagahan ng Kanyang mga piniling mana ang kanilang mga sarili ayon sa halagang kanyang ipinataw sa kanila. Ninanais sila ng Diyos, dahil kung hindi ay hindi Niya sana isinugo ang Kanyang Anak sa ganitong napakamahal na gawain para tubusin sila. Mayroon Siyang ipagagawa sa kanila, at Siya’y lubhang naliligayahan kung gagawa sila ng pinakamataas na kahilingan sa Kanya, upang luwalhatiin ang Kanyang pangalan. Maaasahan nila ang malalaking bagay kung may pananampalataya sila sa Kanyang mga pangako.— The Desire Of Ages, pp. 667, 668. PnL