Pauwi Na Sa Langit

61/364

Kasakdalan, Marso 2

Kaya't kayo'y maging sakdal, gaya ng inyong Ama na nasa langit na sakdal. Mateo 5:48. PnL

Ang kondisyon sa buhay na walang hanggan ngayon ay gaya pa rin nang dati—tulad nang kung ano ang sa Paraiso bago pa magkasala ang ating mga unang magulang—ang sakdal na pagsunod sa kautusan ng Diyos at sakdal na katuwiran. Kung ang buhay na walang hanggan ay ibibigay dahil sa anumang kondisyon maliban dito, mapasasapanganib ang kasiyahan ng buong sansinukob. Ang daan ay mabubuksan para sa kasalanan, na kasama rito ang napakaraming kahirapan at kalungkutan, ay hindi na maaalis. PnL

Posible para kay Adan, bago ang pagkakasala, na makabuo ng isang matuwid na karakter sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ng Diyos. Ngunit nabigo siyang gawin ito, at dahil sa kanyang kasalanan, ang ating likas ay makasalanan at hindi natin makakayang gawing banal ang ating mga sarili. Dahil tayo’y makasalanan, di-banal, hindi natin sakdal na masusunod ang banal na kautusan. Wala tayong katuwiran sa ating mga sarili kung saan ating matutugunan ang ipinag-uutos ng kautusan ng Diyos. Ngunit gumawa ng paraan si Cristo para makatakas tayo. Nabuhay Siya sa lupa sa gitna ng mga pagsubok at mga tuksong na ating ding makahaharap. Namuhay Siya ng buhay na walang kasalanan. Namatay Siya para sa atin, at ngayon ay iniaalok Niyang kunin ang ating mga kasalanan at bigyan tayo ng Kanyang katuwiran. Kung ibibigay mo ang iyong sarili sa Kanya, at tatanggapin Siya bilang iyong Tagapagligtas, kung gayon, gaano man naging makasalanan ang iyong buhay, dahil sa Kanya ikaw ay itinuturing na banal. Ang karakter ni Cristo ang tumatayong kapalit ng iyong karakter, at ikaw ay tinatanggap sa harap ng Diyos na parang hindi ka nagkasala. PnL

Higit pa rito, bumabago ng puso si Cristo. Siya’y nananahan sa iyong puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat mong panatilihin ang koneksyon kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya at ng patuloy na pagpapasakop ng iyong kalooban sa Kanya; at hangga’t ginagawa mo ito, Siya’y gagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa Kanyang mabuting kalooban. Kaya maaari mong sabihing, “Ang buhay ko na ikinabubuhay ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng kanyang sarili dahil sa akin.” (Galacia 2:20.) Kaya sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.” (Mateo 10:20.) Pagkatapos, sa paggawa ni Cristo sa inyo, kayo’y maghahayag ng kaparehong espiritu at gagawin ang kaparehong mabuting mga gawa—mga gawa ng katuwiran, ang pagsunod. PnL

Kaya wala tayong maipagmamalaki sa ating mga sarili. Wala tayong dahilan para itaas ang sarili. Ang tangi nating batayan ng pag-asa ay nasa katuwiran ni Cristo na ibinigay sa atin, at sa paggawa ng Kanyang Espiritu na gumagawa sa atin at sa pamamagitan natin.— Steps to Christ, pp. 62, 63. PnL