Pauwi Na Sa Langit
Ang Ebanghelyo Para Sa Mundo, Pebrero 21
At ang magandang balitang ito ng kaharian ay ipahahayag sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas. Mateo 24:14. PnL
Si Cristo ay nagbigay ng mga palatandaan ng Kanyang pagdating. Ipinapahayag Niyang maaari nating malaman kung Siya’y malapit na, at halos nasa mga pintuan na. Sinasabi Niya sa mga nakakakita ng mga palatandaang ito, “Ang henerasyong ito ay hindi mawawala, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.” Ang mga palatandaang ito ay lumitaw. Ngayon ay nalalaman natin ang katiyakan na malapit na ang pagdating ng Panginoon. “Ang langit at lupa ay lilipas,” sinasabi Niya, “ngunit ang Aking mga salita ay hindi mawawala.” . . . PnL
Ang eksaktong oras ng ikalawang pagdating ng Anak ng tao ay misteryo ng Diyos. . . . PnL
Sinabi ni Cristo tungkol sa propesiya ng pagkawasak ng Jerusalem, “Dahil sa pagsagana ng kasamaan, ang pag-ibig ng marami ay magiging malamig. Ngunit siya na magtiis hanggang sa wakas, siya ang maliligtas. At ang ebanghelyo ng kahariang ito ay ipangangaral sa buong mundo bilang isang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas.” Ang propesiyang ito’y muling matutupad. Ang matinding kasamaan nang araw na iyon ay natagpuan ang katapat nito sa henerasyong ito. Gayundin sa prediksyon tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo. Bago ang pagbagsak ng Jerusalem, si Pablo, na sumulat sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ay nagpahayag na ang ebanghelyo ay naipangaral sa “bawat nilalang na nasa ilalim ng langit.” (Colosas 1:23.) Kaya ngayon, bago ang pagdating ng Anak ng tao, ang walang hanggang ebanghelyo ay dapat ipangaral “sa bawat bansa, at lahi, at wika, at mga tao.” (Apocalipsis 14:6, 14.) “ Itinakda Niya ang isang araw kung kailan Niya hahatulan ang sanlibutan.” (Gawa 17:31.) Sinasabi sa atin ni Cristo kung kailan darating ang araw na iyon. Hindi Niya sinasabing mahihikayat ang buong mundo, ngunit “ang ebanghelyo ng kahariang ito ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas.” Sa pagbibigay ng ebanghelyo sa sanlibutan, nasa ating kapangyarihan ang pagpapadali ng pagdating ng Panginoon. Hindi lang natin asamin kundi padaliin ang pagdating ng araw ng Diyos. (2 Pedro 3:12.) Kung ginawa lang ng iglesya ni Cristo ang kanyang itinalagang gawain na inordenahan ng Panginoon, ang buong mundo ay binigyang babala na noon pa, at ang Panginoong Jesus ay dumating na sa ating lupa na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. . . . PnL
Ang mga nagbabantay sa pagdating ng Panginoon ay hindi naghihintay na walang ginagawa. . . . Isinasama nila sa maingat na pagbabantay ang masikap na paggawa. Dahil alam nilang ang Panginoon ay malapit na, nabubuhay ang kanilang kasigasigan upang makibahagi sa mga banal na mga intelehensiya sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.— The Desire of Ages, pp. 632-634. PnL