Pauwi Na Sa Langit
Pagkain Para Sa Kaluluwa, Enero 2
Nasusulat, “ Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salita ng Diyos.” Lucas 4:4. PnL
Isa lamang ang edukasyon sa paghahanda ng pisikal, intelektuwal, at espirituwal na mga kapangyarihan para sa pinakamahusay na pagganap sa lahat ng mga tungkulin sa buhay. Ang mga kapangyarihan ng pagtitiyaga, at ang lakas at gawain ng utak, ay napahihina o napalalakas ayon sa paraan ng paggamit nito. Kailangang lubhang disiplinahin ang isipan upang ang mga lakas nito’y proporsyonal na umunlad. . . PnL
Nahahayag ang uri ng relihiyosong karanasan ng isang tao sa karakter ng mga aklat na pinipili niyang basahin tuwing wala siyang ginagawa. Para magkaroon ng malusog na antas ng isipan at matinong relihiyosong mga prinsipyo, dapat mamuhay ang kabataan sa pakikipag-isa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita. Sa pagtuturo nito sa landas ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo, ang Biblia ang ating patnubay sa mas mataas at mas mabuting buhay. Naglalaman ito ng pinakainteresante at pinakanakapagtuturong kasaysayan at talambuhay na naisulat kailanman. Ang mga taong may mga imahinasyong hindi pa nailigaw dahil sa pagbabasa ng kathangisip na babasahin ay masusumpungan ang Biblia bilang pinakakawili-wili sa lahat ng mga aklat. PnL
Ang Biblia ay aklat ng mga aklat. Kung mahal mo ang Salita ng Diyos, ang pagsasaliksik dito tuwing may pagkakataon, upang makuha ang mga mahahalagang kayamanan nito, at lubos na masangkapan ng lahat ng mabubuting gawa, kung gayo’y makatitiyak kang inilalapit ka ni Jesus sa Kanyang sarili. Ngunit ang pagbabasa ng Biblia sa isang di-sinasadyang paraan, na walang pagsisikap na unawain ang mga turo ni Cristo upang makasunod sa Kanyang mga hinihiling, ay di-sapat. May mga kayamanan sa salita ng Diyos na maaari lang matuklasan sa pamamagitan ng paglubog nang malalim ng tagdan sa mina ng katotohanan. PnL
Ang kaisipang ayon sa laman ay tumatanggi sa katotohanan; ngunit ang kaluluwang hikayat ay sumasailalim sa isang kahanga-hangang pagbabago. Ang aklat na dating di-kaakit-akit dahil inihayag nito ang mga katotohanang sumasaksi laban sa makasalanan, ay nagiging pagkain na ngayon ng kanilang kaluluwa, kagalakan at kaaliwan ng kanilang buhay. Binibigyang-liwanag ng Araw ng katuwiran ang mga banal na pahina, at nagsasalita ang Banal na Espiritu sa kaluluwa sa pamamagitan ng mga ito. . . . PnL
Hayaan na lahat na may nalinang pagkahilig sa madaliang pagbabasa, na mailipat ngayon ang kanilang atensyon sa tiyak na salita ng propesiya. Kunin ang inyong mga Biblia, at magsimulang mag-aral na may panibagong interes sa mga banal na mga tala ng Luma at Bagong Tipan. Kung mas madalas at mas masikap mong pag-aaralan ang Biblia, mas gaganda ang litaw nito, at mas mababawasan ang pagkagusto sa madaliang pagbabasa. Bigkisin ang mahalagang aklat na ito sa iyong puso. Ito sa iyo’y magiging kaibigan at tagapaggabay.— Messages to Young People, pp. 271, 273, 274. PnL