Pauwi Na Sa Langit
Alamin Kung Bakit Ka Naniniwala Sa Iyong Pinaniniwalaan, Nobyembre 24
At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng halimaw at mula sa bibig ng bulaang propeta ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka. Sila'y mga espiritu ng mga demonyo. Apocalipsis 16:13, 14. PnL
Nakita kong ang mga banal ay dapat magkaroon ng isang masusing pag-unawa sa kasalukuyang katotohanan, na sila’y obligadong mapanatili mula sa Kasulatan. Dapat nilang maunawaan ang kalagayan ng mga patay; sapagkat ang espiritu ng mga demonyo ay magpapakita sa kanila, na magsasabing sila ay mahal sa buhay o kaibigan, na maghahayag sa kanila ng mga doktrinang hindi ayon sa banal na kasulatan. Gagawin nila ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang mapukaw ang pakikiramay, at gagawa ng mga himala sa harap nila upang kumpirmahin ang kanilang mga sinabi. Ang bayan ng Diyos ay dapat na maging handa upang mapaglabanan ang mga espiritung ito gamit ang katotohanan ng Biblia na ang mga patay ay walang nalalaman na kahit ano, at iyong mga nagpapakita ay mga espiritu ng mga demonyo. PnL
Dapat nating suriin nang mabuti ang patibayan ng ating pag-asa; na kailangan nating bigyang liwanag mula sa Kasulatan. Ang maling akalang ito’y kakalat, at kailangan natin itong paglabanan ng harapan; at maliban kung tayo’y handa para rito, tayo’y mahuhuli at masusupil. Ngunit kung ating gagawin ang ating magagawa upang maging handa sa kaguluhang maihahayag sa atin, gagawin ng Diyos ng Kanyang bahagi, at ang Kanyang makapangyarihang kamay ang magsasanggalang sa atin. Siya’y magpapadala ng mga maluwalhating anghel upang bantayan ang mga tapat na kaluluwa, kaysa naman sila’y maloko at malayo sa pamamagitan ng mga maling kababalaghan ni Satanas. PnL
Nakita ko ang mabilis na pagkalat ng kahibangang ito. Ang tren ng sasakyan ay ipinakita sa akin, na may bilis ng kidlat. Ang utos ng anghel ay tumingin akong mabuti. Itinutok ko ang aking mata sa tren. Tila ang buong mundo ay nakasakay. Pagkatapos ay nakita ko ang kundoktor, isang maringal at may kagandahang anyo na tao, na tinitingala ng may paggalang ng mga pasahero. Ako’y naguluhan at nagtanong sa aking bantay na anghel kung sino ito. Sinabi niyang, “Ito’y si Satanas. Siya ang kundoktor, sa anyo ng anghel ng liwanag. Ang buong mundo ay kanyang bihag. Sila’y nabihag sa mga maling akala, upang maniwala sa kasinungalingan na maaari silang masumpa. Ang kanyang ahente, ang susunod na mataas sa kanya, ay ang inhinyero, at ang iba niyang manggagawa ay ay gumagagawa sa iba’t ibang bahagi ayon sa kung kakailanganin sila nito, at lahat sila’y gumagawa sa pagkawasak ng mabilis na tulad ng sa kidlat. PnL
Ako’y nagtanong ulit sa anghel kung wala bang natira. At ako’y sinabihan niyang lumingon sa kabilang direksyon, at nakita ko ang maliit na grupo na naglalakbay sa makitid na daanan. Ang lahat ay tila matatag na pinagsama ng katotohanan.— Early Writings, pp. 262, 263. PnL