Pauwi Na Sa Langit
Ang Kapangyarihan Ng Huling Ulan, Nobyembre 19
At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon; ang kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway; at siya'y paparito sa atin na parang ulan, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa. Hoseas 6:3. PnL
At ngayon ginagamit pa rin ng Diyos ang Kanyang iglesya upang ipaalam ang Kanyang layunin sa daigdig. Ngayon ang mga tagapagbalita ng krus ay nagtungo sa mga siyudad, at sa mga lupain, inihahanda ang daan sa ikalawang pagdating ni Cristo. Ang pamantayan ng kautusan ng Diyos ay naitataas. Ang Espiritu ng Makapangyarihan ay kumikilos sa mga puso, at ang tumugon ay nagiging saksi para sa Diyos at Kanyang katotohanan. Sa maraming mga lugar ang natatalagang mga lalaki at babae ay makikita na ibinabalita ang liwanag na nagpalinaw sa daan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. At habang pinagniningas ang kanilang ilawan, gaya ng mga nabautismuhan ng Espiritu noong araw ng Pentecostes, kanilang tinanggap ng higit at higit ang kapangyarihan ng Espiritu. Dahil dito ang daigdig ay naliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos. . . . PnL
Katotohanang sa mga huling araw, kapag matatapos na ang gawain ng Diyos sa lupa, ang mga gawain ng mga mananampalataya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ay magtataglay ng tanging patotoo ng makalangit na pagsang-ayon. Sa ilalim ng anyo ng una at huling ulan, na nabubuhos sa dakong Silangan sa paghahasik ng binhi at pagaani, ang mga propetang Hebreo ay nagpropesiya ng pagkakaloob ng espirituwal na biyaya sa hindi pangkaraniwang sukat sa iglesya ng Diyos. Ang pagbubuhos ng Espiritu sa panahon ng mga apostol ang simula ng una, o maagang ulan, at maluwalhati ang naging bunga. Sa katapusan ng panahon, ang presensya ng Espiritu ang papatnubay sa tunay na iglesya. PnL
Datapwat sa pagtatapos ng pag-aani ng sanlibutan, isang tanging pagkakaloob ng biyayang espirituwal ang ipinangako upang ihanda ang iglesya sa pagdating ng Anak ng tao. Ang pagbubuhos ng Espiritu ay gaya sa pagbubuhos ng huling ulan; at dahil sa karagdagang kapangyarihan na ito ay dinadala ng Cristiano ang kanilang mga pagsamo sa Panginoon ng pag-aani “sa kapanahunan ng ulan.” Bilang pagtugon, “sa Panginoon na nagpapakidlat, at Kanyang bibigyan sila ng ulan,” “kanyang ibinuhos para sa inyo ang isang masaganang ulan, ang maaga at ang huling ulan, gaya nang dati.” (Zacarias 10:1; Joel 2:23.) PnL
Datapwat malibang ang mga kaanib ng iglesya ng Diyos ngayon ay may buhay na kaugnayan sa Bukal ng lahat ng paglagong espirituwal, hindi sila mahahanda sa panahon ng pag-aani. Malibang ang kanilang mga ilawan ay laging pagningasin, mabibigo silang matanggap ang karagdagang biyaya sa panahon ng tanging pangangailangan. PnL
Sila lang na palagiang tumatanggap ng bagong kaloob na biyaya, ang magkakaroon ng kasukat na kapangyarihan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at kakayahang gamitin ang kapangyarihang iyon.— The Acts Of The Apostles, pp. 53-55. PnL