Pauwi Na Sa Langit

321/364

Tulong Mula Sa Banal Na Espiritu, Nobyembre 18

Sapagkat si Juan ay nagbautismo sa tubig; subalit hindi na a abutin ng maraming araw mula ngayon. Gawa 1:5. PnL

Ang sakripisyo ni Cristo para sa atin ay ganap at lubos. Ang kondisyon ng pagtubos ay nasapatan. Ang gawaing itinungo Niya sa lupa ay nagampanan na. Nabawi Niya ang kaharian. Inagaw Niya ito mula kay Satanas at naging tagapagmana ng lahat ng bagay. . . . PnL

Bago lisanin ang Kanyang mga alagad, malinaw na inilahad ni Cristo ang likas ng Kanyang kaharian. Ipinaalaala sa kanila ang mga bagay na naituro na sa kanila tungkol dito. Inihayag Niyang hindi Niya panukalang magtatag ng kaharian dito sa lupa. Hindi Siya hinirang upang maghari sa kaharian sa lupa sa trono ni David. Nang tanungin Siya ng mga alagad, “Panginoon, ito ba ang panahon na panunumbalikin mo ang kaharian sa Israel?” Siya’y tumugon, “Hindi ukol sa inyo na malaman ang mga oras o ang mga panahon na itinakda ng Ama sa pamamagitan ng kanyang sariling awtoridad.” (Gawa 1:6, 7.) Hindi kailangang makita nila ang hinaharap liban sa mga paghahayag na ipinagkaloob Niya sa kanila. Ang gawain nila’y ipahayag ang pabalita ng ebanghelyo. PnL

Ang nakikitang presensya ni Cristo ay aalisin na sa mga alagad, ngunit isang bagong pagkakaloob ng kapangyarihan ang sasakanila. Ang Banal na Espiritu ay ibibigay sa kanila sa kapuspusan, na magtatatak sa kanila sa kanilang paggawa. Wika ng Tagapagligtas, “At tingnan ninyo, ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, subalit manatili kayo sa lunsod, hanggang sa mabihisan kayo ng kapangyarihang galing sa itaas.” (Lucas 24:49.) . . . “Tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa.” (Gawa 1:5, 8.) PnL

Alam ng Tagapagligtas na walang anumang argumento, gaano man kaliwanag, ang magpapalambot ng pusong matigas o sisira ng balot ng kamunduhan at kasakiman. Alam Niyang ang mga alagad ay dapat tumanggap ng kaloob na ito ng langit; na ang ebanghelyo ay magiging mabisa lang kung ito’y ihahayag ng mga pusong pinainit at labing pinatamis ng buhay na karanasan sa Kanya na Siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Ang gawaing itinalaga sa mga alagad ay nangangailangan ng dakilang bisa; sapagkat ang agos ng kasamaan ay malalim at malakas laban sa kanila. Isang gising, determinadong lider ang nangunguna sa mga puwersa ng kadiliman, at ang mga alagad ni Cristo ay makikidigma para sa matuwid sa pamamagitan lamang ng tulong ng Diyos, na sasakanila sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.— The Acts Of The Apostles, pp. 29-31. PnL