Pauwi Na Sa Langit
Pagsalansang, Nobyembre 4
At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, sapagkat hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan. Apocalipsis 12:11. PnL
Maglalagay Ako sa iyo at sa babae ng pagkapoot sa isa’t isa, at sa iyong binhi at sa kanyang binhi. Ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” (Genesis 3:15.) Ang hatol ng langit na inilapat kay Satanas pagkatapos na magkasala si Adan at Eva, ay isang propesiya rin naman, na sumasaklaw sa lahat ng kapanahunan hanggang sa dulo ng panahon, at naglalarawan ng malaking paglalabanan na kasama ang lahat ng lahi ng tao na mabubuhay sa ibabaw ng lupa. PnL
Ipinahahayag ng Diyos, “Maglalagay Ako . . . ng pagkapoot.” Ang alitang ito’y hindi natural na nakalilibang. Nang salansangin ng ating unang magulang ang banal na kautusan, ang kanilang likas ay naging masama, naging kasang-ayon sila at hindi na kalaban ni Satanas. Natural walang pagkakaalit ang taong makasalanan at ang pasimuno ng kasalanan. Kapwa sila sumama dahil sa pagtaliwakas. Ang tumalikod ay hindi nagtitigil, malibang siya’y makakuha ng daramay at papanig sa kanya sa pamamagitan ng paghikayat sa iba na sumunod sa kanyang halimbawa. Dahil dito, ang mga anghel na nagkasala at ang mga masamang tao ay magkakabigkis-bigkis sa pangatawanang pagsasama. Kung hindi tanging namagitan ang Diyos, si Satanas at ang sangkatauhan ay nagkampi sana ng paglaban sa langit; at sa halip na magimpok ng pakikipaglaban kay Satanas, ang buong sangkatauhan ay nagkaisa sana sa pagsalungat sa Diyos. PnL
Tinukso ni Satanas sila Adan at Eva upang magkasala, katulad ng pag-uudyok niya sa mga anghel upang maghimagsik, sa gayo’y may makatulong siya sa pakikidigma niya laban sa langit. Walang pagsasalungatan sa pagitan niya at ng kanyang mga anghel hinggil sa kanilang pagkapoot kay Cristo; bagaman sa lahat ng ibang bagay ay mayroon silang di-pagkakaisa, ay mahigpit silang nagkakalakip sa pagsalansang sa kapamahalaan ng Puno ng santinakpan. Ngunit nang marinig ni Satanas ang pahayag na magkakaroon ng pagkakaalit siya at ang babae, at ang kanyang binhi at ang binhi ng babae, ay napag-alaman niyang ang kanyang mga pagsisikap na pasamain ng pasamain ang kalikasan ng tao ay mapapatigil; at sa pamamagitan ng ilang kaparaanan ay makalalaban ang tao sa kanyang kapangyarihan. PnL
Ang poot ni Satanas sa sangkatauhan ay nagningas, sapagkat sa pamamagitan ni Cristo, ay sila ang layunin ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang kahabagan. Ninasa niyang tumbalikin ang banal na panukala sa pagtubos sa tao, di-parangalan ang Diyos, sa pamamagitan ng pagsira at pagdungis sa ginawa ng Kanyang kamay; papagkakaroonin niya ng kalumbayan sa langit, at pupunuin niya ang lupa ng kahirapan at kasiraan. At itinuturo niya ang lahat ng kasamaang ito bilang bunga ng ginawa ng Diyos sa Kanyang paglikha sa tao.— The Great Controversy , pp. 505, 506. PnL