Pauwi Na Sa Langit
Magligtas Ng Mga Kaluluwa Bago Tapusin Ni Jesus Ang Kanyang Ministeryo, Oktubre 23
Lumabas ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang pumasok upang mapuno ang aking bahay. Lucas 14:23. PnL
Hindi maliit na bagay ang maging Cristiano, at na ariing-ganap at tanggapin ng Diyos. Ipinakita sa akin ng Panginoon ang ilan sa nagpahayag ng katotohanan, na ang buhay ay hindi tumutugma sa kanilang ipinahahayag. Sila’y may mababang pamantayan ng pagiging banal, at malayo sa kabanalan ng Biblia. Ang ilan ay nakikipag-ugnayan sa walang kabuluhan at mahalay na usapan, at ang iba ay nagtataas ng kanilang mga sarili. Hindi dapat natin asamin na paluguran ang ating mga sarili, mamuhay at kumilos na gaya ng mundo, magkaroon ng kaluguran nito, at tangkilikin ang samahan ng mga nasa mundo, at maghari kasama ni Cristo sa kaluwalhatian. PnL
Dapat tayong makibahagi sa mga paghihirap ni Cristo rito kung gugustuhin nating makibahagi sa Kanyang kaluwalhatian pagkatapos. Kung tayo’y naghahanap ng ating sariling interes, kung paano natin mas mapaluluguran ang ating mga sarili, sa halip na paluguran ang Diyos at mapadali ang Kanyang paghihirap, ay ating niwawalangdangal ang Diyos at ang banal na gawain na nais nating ihayag. Tayo’y may kakaunting oras na lang upang gumawa sa gawain ng Diyos. Walang dapat na mahalaga ang hindi kayang isakripisyo para sa kaligtasan ng nagkalat at nahiwalay na kawan ni Jesus. Iyong mga nakipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng sakripisyo ngayon ay malapit ng magsama-sama upang makibahagi sa malaking gantimpala at magkaroon ng bagong kaharian magpakailanman. PnL
Oh, tayo’y mamuhay nang ganap sa Panginoon at ipakita sa pamamagitan ng maayos pamumuhay at makalangit na usapan, na kasama natin si Jesus at tayo’y Kanyang masunurin at mapagkumbabang tagasunod. Tayo’y dapat na gumawa habang ang araw ay nagtatagal, sapagkat kapag ang madilim na gabi ng problema at paghihirap ay dumating, magiging huli na upang gumawa para sa Panginoon. Si Jesus ay nasa banal na templo na tatanggap ng ating mga handog, mga dalangin, at pagtatapat ng ating mga pagkakamali at pagkakasala, at magpapatawad ng lahat ng pagsalansang ng Israel, nang mabura ang mga ito bago Niya lisanin ang santuwaryo. Kapag nilisan ni Jesus ang santuwaryo, silang mga banal at matuwid ay mananatiling banal at matuwid; dahil ang kanilang mga kasalanan ay mabubura, sila’y matatatakan ng tatak ng buhay na Diyos. Subalit silang mga di-matuwid at marurumi ay mananatiling di-matuwid at marumi; sapagkat sa mga panahong iyon ay wala ng Saserdote sa santuwaryo na tatanggap at maghahandog ng kanilang mga sakripisyo, ng kanilang pagtatapat, at kanilang mga panalangin sa trono ng Ama. Samakatuwid anumang gawain ang magagawa upang iligtas ang mga kaluluwa mula sa darating na bagyo ng poot ay dapat gawin bago pa man umalis si Jesus kabanal-banalang dako ng makalangit na santuwaryo.— Early Writings, pp. 47, 48. PnL