Pauwi Na Sa Langit
Ang Katapusan Ng Gawain Ni Jesus Bilang Saserdote At Tagapamagitan, Oktubre 21
At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat sumampalatayang may Diyos at Siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa Kanya. Hebreo 11:6. PnL
Ngunit ang mga tao ay hindi pa handang makita ang Panginoon. Mayroon pang gawain ng paghahanda ang kailangang matapos para sa kanila. Kailangang maibigay ang liwanag, na magdadala sa kanilang kaisipan sa templo ng Diyos sa langit; at tulad ng dapat nilang sundin ang Dakilang Saserdote sa Kanyang paglilingkod doon sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, ay ibubunyag ang bagong tungkulin. Isa pang mensahe ng babala at tagubilin ang ibibigay sa iglesya. PnL
Ang wika ng Propeta: “Ngunit sino ang makakatagal sa araw ng Kanyang pagdating, at sino ang makakatayo kapag Siya’y nagpakita? Sapagkat Siya’y tulad sa apoy ng tagapagdalisay at tulad sa sabon ng mga tagapagpaputi. Siya’y uupong gaya ng nagpapakintab at nagpapadalisay ng pilak, at kanyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kanyang lilinising tulad sa ginto at pilak hanggang sila’y maghandog ng matutuwid na handog sa Panginoon.” (Malakias 3:2, 3.) Iyong mga nabubuhay sa lupa ay tatayo sa harap ng banal na Diyos na walang tagapamagitan kapag ang pamamagitan ni Cristo sa makalangit na santuwaryo ay ititigil. Ang kanilang mga damit ay dapat na walang bahid, ang kanilang mga likas ay dapat na malinis sa kasalanan sa pamamagitan ng dugong naiwisik. Sila’y magiging mananagumpay laban sa kasamaan sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at kanilang masigasig na pagsisikap. Habang nagaganap sa langit ang masiyasat na paghuhukom, habang tinatanggal sa santuwaryo ang kasalanan ng mga nagsisising mananampalataya, ay mayroong isang espesyal na gawain ng paglilinis, ng pagtatanggal ng kasalanan, sa bayan ng Diyos sa lupa. Ang gawaing ito’y malinaw na ipinakita sa mensahe ng Apocalipsis 14. PnL
Kapag natapos ang gawaing ito, ang mga tagasunod ni Cristo ay magiging handa sa Kanyang pagdating. “Kung magkagayo’y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa Panginoon, gaya ng mga unang araw, at gaya ng mga taong nakalipas.” (Malakias 3:4.) At ang iglesya na sa pagdating ng Panginoon ay tatanggap sa Kanya ay magiging “isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay.” (Efeso 5:27.) At siya’y titingin “na tulad ng bukang liwayway, kasingganda ng buwan, kasinliwanag ng araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat.” (Awit ng mga Awit 6:10.) PnL
Bukod sa pagdating ng Panginoon sa Kanyang templo, inihula rin ni Malakias ang Kanyang ikalawang pagdating, ang Kanyang pagdating upang ganapin ang paghatol. (Malakias 3:5.)— The Great Controversy, pp. 424, 425. PnL