Pauwi Na Sa Langit
Ang Santuwaryo At Paghuhukom Ay Malinaw Dapat Na Maunawaan, Oktubre 5
Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pag-asa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako. Hebreo 10:23. PnL
Nakalulungkot ang talaan na dala-dala ng mga anghel sa langit. Ang mga matatalinong nilalang, mga umaakong tagasunod ni Cristo, ay natatangay sa mga makamundong bagay o makamundong kaaliwan. . . . Ngunit kakaunti ang mga sandaling nakatuon sa panalangin, sa pagsasaliksik ng Kasulatan, sa pagpapakababa ng kaluluwa at sa pagtatapat ng mga kasalanan. PnL
Ang kaaway ay gumagawa ng mga di-mabilang na plano para sakupin ang ating mga pag-iisip, upang hindi manahan ang mga ito sa mismong gawain na dapat nating lubos na alamin. Kinamumuhian ng pangunahing manlilinlang ang mga dakilang katotohanan na siyang nagpapakita sa atin sa nagbabayad salang sakripisyo at sa makapangyarihan sa lahat na Tagapamagitan. Alam niyang sa kanya, lahat ay nakasalalay sa kanyang paglilihis ng mga pag-iisip mula kay Cristo at sa Kanyang katotohanan. PnL
Silang mga mababahaginan ng mga pakinabang sa pamamagitan ng Tagapagligtas ay wala dapat hayaang humadlang sa kanilang tungkulin sa pagsasakdal ng kabanalan sa takot sa Diyos. Ang mahahalagang oras, sa halip na gamitin sa kasiyahan, sa pagpapakita, sa paghahanap ng pakinabang, ay dapat na inilalaan sa taimtim at mapanalangining pag-aaral ng salita ng katotohanan. Ang paksa ng santuwaryo at masiyasat na paghuhukom ay dapat na malinaw na maunawaan ng bayan ng Diyos. Lahat ay nangangailangan ng kaalaman tungkol sa posisyon at gawain ng kanilang dakilang Punong Saserdote. Kung hindi man ay imposible para sa kanila na gamitin ang kanilang pananampalataya na mahalaga sa mga panahong ito o ang punan ang lugar na inihanda sa kanila ng Diyos. Ang bawat indibidwal ay may kaluluwang maililigtas o maipapahamak. Bawat isa ay may kasong nakabinbin sa korte ng Diyos. Kailangang makatagpo nang mukhaan ng bawat isa ang dakilang Hukom. Kung gayon, napakaimportanteng madalas na magnilay-nilay ang bawat isipan sa solemneng eksena kung kailan magsisimula ang paghatol at mabubuksan ang mga aklat, na kasama si Daniel, na ang bawat indibidwal ay dapat tumayo sa kanyang kahihinatnan, sa mga katapusan ng mga araw. PnL
Lahat ng nakatanggap ng liwanag na tungkol sa paksang ito ay dapat magbigay patotoo sa katotohanang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Ang santuwaryo sa langit ang pinakasentrong gawain ni Cristo alang-alang sa atin. May kinalaman ito sa lahat ng mga kaluluwang buhay sa mundo. Ipinapakita nito ang plano ng pagtubos, na dinadala tayo sa malapit na pagtatapos ng oras at nagbubunyag sa atin ng pagtatagumpay ng katuwiran sa kasalanan. Kaya nga’t mahalagang ang lahat ay magsiyasat tungkol sa paksang ito, nang sa gayon makapagbigay kasagutan sa mga nagtatanong ng dahilan sa pag-asang mayroon sila.— The Great Controversy, pp. 487-489 PnL