Pauwi Na Sa Langit
Libangan Ng Pamilya, Setyembre 26
Ito ang aking nakita na mabuti: nararapat na kumain, uminom, at magalak sa lahat ng kanyang pinagpaguran na kanyang ginagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng kakaunting araw ng kanyang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos, sapagkat ito ang kanyang kapalaran. Eclesiastes 5:18. PnL
May pagkakaiba sa pagitan ng libangan at aliwan. Ang libangan (recreation), kung totoo sa pangalan nito, paglikhang panibago (re-creation), ay gumagawi sa pagpapalakas at pagpapatibay. Sa pagtawag sa atin bukod sa mga ordinaryong alalahanin at gawain, nagbibigay ito ng kaginhawahan sa isip at katawan at sa gayo’y nagbibigaydaan sa atin upang bumalik na may bagong sigla sa masidhing gawain ng buhay. PnL
Ang aliwan, sa kabilang banda, ay hinahanap para sa kasiyahan at madalas na lumalabis; hinihigop nito ang ating mga enerhiya na kinakailangan para sa kapaki-pakinabang na gawain at sa gayo’y napapatunayang isang hadlang sa tunay natagumpay sa buhay. . . . PnL
Huwag nating kalimutan ang katotohanang si Jesus ay isang bukal ng kagalakan. Hindi Siya nasisiyahan sa pagdurusa ng mga tao, ngunit ibig niyang makita silang masaya. PnL
Ang mga Cristiano ay maraming mapagkukunan ng kaligayahang nasa kanilang pamumuno, at maaari nilang sabihing may di-nagkakamaling kawastuhan kung ano ang kaaliwang matuwid at tama. Maaari silang masiyahan sa gayong mga libangan na hindi magwawaldas ng kaisipan o magpapababa ng kaluluwa, iyong hindi makabibigo at mag-iiwan ng malungkot na impluwensya para masira ang respeto sa sarili o mahadlangan ang daan sa pagiging kapaki-pakinabang. Kung maisasama nila si Jesus at mapananatili ang isang mapanalangining espiritu, sila’y lubusang ligtas. PnL
Anumang libangan kung saan maaari kang makipag-ugnayan sa pagtatanong ng pagpapala ng Diyos dito sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi magiging mapanganib. Ngunit ang anumang libangan na magiging hadlang sa iyo para sa lihim na panalangin, sa debosyon sa dambana ng panalangin, o sa pakikilahok sa pagpupulong ng panalangin ay hindi ligtas, kundi mapanganib. PnL
Kasama tayo uri ng mga tao na naniniwalang pribilehiyo natin sa araw-araw ng ating buhay na luwalhatiin ang Diyos sa lupa, na hindi tayo dapat mamuhay sa mundong ito para lamang sa sarili nating aliwan, para lamang paluguran ang ating sarili. Narito tayo para maging pakinabang sa sangkatauhan at maging pagpapala sa lipunan; at kung hahayaan nating tumakbo ang ating isipan sa mababang lagusan, kagaya ng ginagawa ng maraming naghahanap lang ng kapalaluan at kamangmangan, paano tayo magiging pakinabang sa ating lahi at henerasyon? Paano tayo magiging pagpapala sa lipunan sa ating paligid? Hindi tayo maaaring inosenteng magpakasasa sa anumang aliwan na magpapaging di-karapat-dapat sa atin para sa mas matapat na pagganap ng mga ordinaryong tungkulin.— The Adventist Home, pp. 512, 513. PnL