Pauwi Na Sa Langit

267/364

Pampamilyang Pagsamba, Setyembre 25

Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos. Filipos 4:6. PnL

Dapat magkaroon ng isang nakapirming oras ang bawat pamilya para sa pagsamba sa umaga at gabi. Gaano nararapat para sa mga magulang na tipunin ang kanilang mga anak sa palibot nila bago kumain ng umagahan, upang pasalamatan ang makalangit na Ama sa Kanyang proteksyon sa gabi, at humiling sa Kanya ng tulong at gabay at pagbabantay sa buong araw! Anong pagkakaangkop, din, na pagdating ng gabi, magtitipong muli ang mga magulang at mga anak sa harap Niya at pasasalamatan Siya sa mga pagpapala ng araw na nakalipas! PnL

Ang ama, o kapag wala siya, ang ina ay dapat magsagawa ng pagsamba, na pumipili ng isang bahagi ng Kasulatan na kawili-wili at madaling maunawaan. Dapat maging maikli ang serbisyo. Kapag mahabang kabanata ang babasahin at mahabang panalangin ang naihahandog, nagiging nakapapagod ang serbisyo, at sa pagtapos nito’y isang pagkadama ng ginhawa ang madarama. Nalalapastangan ang Diyos kapag ang oras ng pagsamba ay ginagawang tuyo at nakaiinip, kapag ito’y matagal at nakapapagod, kaya nagkukulang sa interes, na kinatakutan ito ng mga bata. PnL

Mga ama at ina, gawing lubos na kawili-wili ang oras ng pagsamba. Walang dahilan kung bakit ang oras na ito’y hindi dapat maging pinakakaayaaya at kasiyasiya sa araw. Ang isang maliit na pag-iisip na ibinigay sa paghahanda para rito ay magpapahintulot sa iyong gawin itong puno ng interes at pakinabang. Gawing paiba-iba ang serbisyo paminsan-minsan. Maaaring magtanong sa bahaging binasa sa Banal na Kasulatan, at maaaring gawin ito ng may kaunting kasigasigan at napapanahong mga pahayag. Maaaring kumanta ng isang awit ng papuri. Ang panalanging inihandog ay dapat maging maikli at tuwiran. Sa simple, taimtim na mga salita hayaan ang isang nangunguna sa panalangin na pumuri sa Diyos para sa Kanyang kabutihan at humingi ng tulong sa Kanya. Kung pinahihintulutan ng mga pangyayari, hayaang sumali ang mga bata sa pagbabasa at sa pananalangin. . . . PnL

Bawat umaga ay italaga ang inyong sarili at ang inyong mga anak sa Diyos para sa araw na iyon. Huwag gumawa ng pagkalkula para sa buwan o taon; hindi ito sa iyo. Isang maikling araw ang ibinigay sa iyo. Na tila ito na ang huli mo sa lupa, gumawa sa mga oras na ito para sa Guro. Ilagak ang lahat ng iyong mga plano sa Diyos, upang maisagawa o maisuko, ayon sa ipinahihiwatig ng Kanyang probidensya. Tanggapin ang Kanyang mga plano kaysa sarili mong kagustuhan, kahit na ang pagtanggap sa mga ito’y nangangailangan ng pag-abandona sa mga itinatanging proyekto. Sa gayon, lalo pang mahuhubog ang buhay ayon sa halimbawa ng Diyos; “At ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip, ang mag-iingat ng inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus.” (Filipos 4:7.)— Testimonies For The Church , vol. 7, pp. 43, 44. PnL