Pauwi Na Sa Langit
Ang Karangalang Nararapat Sa Mga Magulang, Setyembre 21
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Exodo 20:12. PnL
Ito ang unang utos na may pangako. Ito’y may bisa sa bata at kabataan, sa talubata at may edad. Walang panahon sa buhay kung saan makalalampas ang mga anak sa paggalang sa kanilang mga magulang. Ang solemneng obligasyong ito’y may bisa sa bawat anak na lalaki at babae at isa sa mga kondisyon sa pagpapahaba ng kanilang buhay sa lupaing ibibigay ng Panginoon sa matatapat. Hindi ito isang paksang dikarapat-dapat mapansin, ngunit isang bagay na napakahalaga. Ang pangako ay nasa kondisyon ng pagsunod. Kung susunod ka, mabubuhay ka nang matagal sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Kung sumuway ka, hindi mo dapat pahabain ang iyong buhay sa lupaing iyon. PnL
Ang mga magulang ay may karapatan sa isang antas ng pagmamahal at paggalang na nararapat lamang sa kanila. Ang Diyos mismo, na nagbigay sa kanila ng isang responsibilidad para sa mga kaluluwang ipinagkatiwala sa kanila, ay inordenahan na sa mga naunang taon ng buhay, tatayo ang mga magulang sa lugar ng Diyos sa kanilang mga anak. At ang sinumang tumatanggi sa nararapat na awtoridad ng kanilang mga magulang ay tinatanggihan ang awtoridad ng Diyos. Ang ikalimang utos ay humihiling sa mga anak na hindi lang magbigay ng paggalang, pagsumite, at pagsunod sa kanilang mga magulang, ngunit magbigay din sa kanila ng pagmamahal at paggiliw, upang pagaanin ang kanilang alalahanin, bantayan ang kanilang reputasyon, at upang tulungan at aliwin sila sa katandaan. PnL
Hindi mapauunlad ng Diyos ang mga taong tuwirang sumasalungat sa pinakasimpleng tungkulin na tinukoy sa Kanyang salita, ang tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang Kung hindi iginagalang at pinapahiya nila ang kanilang mga magulang sa mundo, hindi nila maigagalang at maiibig ang kanilang Maylalang. PnL
Kapag ang mga anak ay may mga di-nananampalatayang magulang, at ang kanilang mga utos ay sumasalungat sa mga kahilingan ni Cristo, kung gayon, masakit man ito, dapat nilang sundin ang Diyos at magtiwala sa mga kahihinatnan sa Kanya. . . . PnL
Dalhin ang lahat ng mga sinag ng sikat ng araw, ng pag-ibig, at ng pagmamahal sa tahanan. Pahahalagahan ng iyong ama at ina ang mga maliit na atensyong ito na maibibigay mo. Ang iyong mga pagsisikap na pagaanin ang mga pasanin, at upang masupil ang bawat salita ng pagkabalisa at kawalang-utang na loob, ay nagpapakitang ikaw ay hindi isang walang pakundangang anak, at pinahahalagahan mo ang pag-aalaga at pagmamahal na ipinagkaloob sa iyo sa mga taon ng iyong kawalang kakayahan bilang sanggol at bata. PnL
Mga anak, kinakailangang mahal ka ng inyong mga ina, o kung hindi man ay lubos kang hindi magiging masaya. At hindi ba nararapat ding mahalin ng mga anak ang kanilang mga magulang?— The Adventist Home, pp. 292, 293, 295. PnL