Pauwi Na Sa Langit
Ang Kapangyarihan Ng Pag-Ibig, Setyembre 20
Mga munting anak, huwag tayong umibig sa salita, ni sa dila kundi sa gawa at sa katotohanan. 1 Juan 3:18. PnL
Ang mga ahensya ng pag-ibig ay may kahanga-hangang kapangyarihan, sapagkat banal ang mga ito. Ang mahinahong sagot na “pumapawi ng poot,” ang pag-ibig na “nagtitiyaga nang matagal, at mabuti,” ang kagandahang loob na “nagtatakip ng maraming kasalanan”—matututuhan natin ang liksyon, na may anong kapangyarihan para sa pagpapagaling ang ibibigay sa ating buhay! Paano mababago ang buhay at ang mundo ay magiging isang pinakalarawan at patikim ng langit! PnL
Ang mahahalagang liksyong ito’y maaaring simpleng maituro na maiintindihan kahit ng maliliit na bata. Ang puso ng bata ay malambot at madaling humanga; at kapag tayong mas matanda ay naging “gaya ng maliliit na bata,” kapag natutuhan natin ang kasimplihan at kahinahunan at kagiliwan ng pag-ibig ng Tagapagligtas, hindi tayo mahihirapang antigin ang mga puso ng mga bata at turuan sila ng ministeryo ng pagpapagaling ng pag-ibig. PnL
Sa isang makamundong pananaw, ang pera ay kapangyarihan; ngunit sa Cristianong pananaw, ang pag-ibig ay kapangyarihan. Ang lakas ng intelektuwal at espirituwal ay kasangkot sa prinsipyong ito. Ang dalisay na pag-ibig ay may espesyal na kahusayan na gumawa ng mabuti, at walang magagawa kundi mabuti. Pinipigilan nito ang pagtatalo at pagdurusa at nagdudulot ng pinakatotoong kaligayahan. Ang yaman ay madalas na isang impluwensya upang makasama at makasira; ang puwersa ay malakas makasakit; ngunit ang katotohanan at kabutihan ay mga katangian ng dalisay na pag-ibig. PnL
Ang tahanan ay dapat maging sentro ng puro at pinakamataas na pagmamahal. Ang kapayapaan, pagkakaisa, pagmamahal, at kaligayahan ay dapat na matiyagang pinahahalagahan araw-araw, hanggang sa mananatili ang mahahalagang bagay na ito sa mga puso ng mga bumubuo ng pamilya. Ang halaman ng pag-ibig ay dapat maingat na mapangalagaan, kung hindi ito’y mamamatay. Ang bawat mabuting prinsipyo ay dapat mahalin kung nais natin itong umunlad sa kaluluwa. Ang itinanim ni Satanas sa puso—inggit, paninibugho, masamang pag-aalsa, masamang pagsasalita, walang pagtitiyaga, maling pagpapalagay, pagkamakasarili, kasakiman, at kawalangkabuluhan—ay dapat bunutin. Kung pahihintulutang manatili ang masasamang bagay na ito sa kaluluwa, magbubunga sila ng bunga kung saan marami ang marurumihan. O, ilan ang naglilinang ng mga nakalalasong halaman na pumapatay sa mahalagang mga bunga ng pag-ibig at nagpaparumi sa kaluluwa! PnL
Sa maraming pamilya ay may malaking kawalan sa pagpapahayag ng pagmamahal sa isa’t isa. Bagaman hindi na kailangan ng sentimentalismo, kailangan ng pagpapahayag ng pag-ibig at lambing sa isang malinis, dalisay, at marangal na paraan.— The Adventist Home, pp. 195, 196, 198. PnL