Pauwi Na Sa Langit

252/364

Seryosong Mag-Isip Bago Magpakasal, Setyembre 10

Sinong makakatagpo ng isang butihing babae? Sapagkat siya'y higit na mahalaga kaysa mga batong rubi. Kawikaan 31:10. PnL

Matinding pag-iingat ang dapat gawin ng mga kabataang Cristiano sa pagbuo ng mga pakikipagkaibigan at pagpili ng mga kasamahan. Mag-ingat, upang ang iniisip mo ngayon na magiging purong ginto ay hindi lumitaw na mababang klaseng metal. Nahihilig ang mga makamundong samahan na maglagay ng mga sagabal sa daan ng iyong paglilingkod sa Diyos, at maraming kaluluwa ang napapahamak sa di-masayang pagsasama, maging sa negosyo man o sa pag-aasawa, sa mga hindi kailanman nagpaparangal o nagpapadakila. PnL

Timbangin ang bawat damdamin, at bantayan ang bawat paglago ng karakter ng taong iniisip mong kawingan ng iyong kapalaran sa buhay. Ang hakbang na iyong tatahakin ay isa sa mga pinakamahalaga sa iyong buhay, at hindi dapat gawing may pagmamadali. Bagaman maaari kang umibig, huwag umibig na parang bulag. PnL

Siyasatin nang mabuti upang makita kung ang iyong buhay pag-aasawa ay magiging masaya o walang armonya at napakasama. Itanong ang ganito, “Ang pagsasama bang ito ay tutulong sa akin tungo sa langit? Madadagdagan ba nito ang aking pag-ibig sa Diyos? At mapalalawak ba nito kapakinabangan ko sa buhay na ito? Kung walang problema sa mga pagmumuni-muning ito, magpatuloy na may pagkatakot sa Diyos. PnL

Karamihan sa kalalakihan at sa kababaihan ay kumilos sa pagpasok sa ugnayang pangmag-asawa na parang ang tanging tanong na dapat nilang lutasin ay kung mahal nga ba nila ang isa’t isa. Ngunit dapat nilang mapagtantong may isang responsibilidad ang nakaatang sa kanila sa ugnayang pangmag-asawa na mas higit pa rito. Dapat nilang isasalang-alang kung ang kanila bang magiging supling ay magtataglay ng pisikal na kalusugan at mental at moral na kalakasan. Ngunit kakaunti ang nagkaroon ng mataas na mga motibo at may mataas na konsiderasyon na hindi nila magaang maitatapon— na ang lipunan ay may pag-aangkin sa kanila, na ang bigat ng impluwensya ng kanilang pamilya ay magsasabi sa pataas o pababang sukatan. PnL

Ang pagpili sa makakasama sa buhay ay dapat maging pinakamabuti sa pagsisiguro ng pisikal, mental, at espirituwal na kagalingan para sa mga magulang at sa kanilang mga anak—iyong tutulong sa parehong mga magulang at anak na magbigay pagpapala sa iba at karangalan sa Manlilikha. PnL

Hayaang piliin ng binatang lalaki ang isang makatatayo sa tabi niya na karapatdapat makibahagi sa kanyang mga pasanin sa buhay, siyang ang impluwensya ay magpapadakila at dadalisay sa kanya, at siyang magpapasaya sa kanya sa kanyang pagibig.— The Adventist Home, pp. 44-46. PnL