Pauwi Na Sa Langit
Gawing Kaakit-Akit Ang Cristianismo, Setyembre 9
Gayundin naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong sariling asawa, kahit na ang ilan sa kanila ay hindi sumusunod sa salita, upang mahikayat nang walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kani-kanilang asawang babae. 1 Peter 3:1. PnL
Kapag nasa puso si Cristo, Siya’y nadadala sa pamilya. Nararamdaman ng ama at ina ang kahalagahan ng pamumuhay na may pagsunod sa Banal na Espiritu para ang mga anghel sa langit, na naglilingkod sa mga magiging tagapagmana ng kaligtasan, ay maglingkod sa kanila bilang mga guro sa tahanan, nagtuturo at nagsasanay sa kanila para sa gawain ng pagtuturo sa kanilang mga anak. Sa tahanan ay posibleng magkaroon ng isang maliit na iglesyang magpaparangal at magluluwalhati sa Manunubos. PnL
Gawing kaakit-akit ang Cristianong buhay. Magsalita tungkol sa bansa kung saan dapat magtayo ng tahanan ang mga tagasunod ni Cristo. Sa paggawa mo nito, gagabayan ng Diyos ang inyong mga anak sa buong katotohanan, pupunuin sila ng pagnanais na iangkop ang kanilang mga sarili para sa mga mansyon na inihanda ni Cristo para sa mga umiibig sa Kanya. PnL
Hindi dapat pilitin ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng relihiyon, ngunit dapat nilang ilagak ang walang hanggang mga prinsipyo sa harapan sa isang kaakit-akit na liwanag. PnL
Dapat gawing kaakit-akit ng mga magulang ang relihiyon ni Cristo sa pamamagitan ng kanilang kaligayahan, Cristianong kagandahang-loob, at magiliw, mahabaging pakikiramay; ngunit dapat silang maging matibay sa pag-atas ng paggalang at pagsunod. Tamang mga prinsipyo ang dapat maitayo sa isipan ng mga anak. PnL
Kailangan nating iharap sa mga kabataan ang isang pagganyak para sa tamang paggawa. Hindi sapat dito ang pilak at ginto. Ating ipakita sa kanila ang pag-ibig at awa at biyaya ni Cristo, ang kahalagahan ng Kanyang Salita, at ang mga kaligayahan ng mananagumpay. Sa mga paggawang gaya nito, makagagawa ka ng gawain na magtatagal sa buong walang hanggan. PnL
Ang ilang mga magulang, bagaman sila’y nagpapahayag na mga relihiyoso, ay hindi iniingatan sa harap ng kanilang anak ang katotohanang ang Diyos ay dapat paglingkuran at sundin, na ang kaginhawaan, kasiyahan, o inklinasyon ay hindi dapat pumigil sa Kanyang pag-aangkin sa kanila. “Ang takot sa Panginoon ang pasimula ng karunungan” Ang katotohanang ito ay dapat maihabi sa pinakabuhay at karakter. Ang tamang pagkaintindi sa Diyos sa pamamagitan ng kaalaman ni Cristo, na namatay upang maaari tayong magkaroon ng kaligtasan, ay dapat maikintal kanilang mga isipan.— The Adventist Home, pp. 323, 324. PnL