Pauwi Na Sa Langit

240/364

Isang Marahas Na Hinaharap, Agosto 29

Kanyang ginagamit ang buong kapangyarihan ng unang halimaw na nasa kanyang paningin, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga naninirahan dito sa unang halimaw na ang sugat na ikamamatay ay gumaling na. Apocalipsis 13:12. PnL

Ang pangitain ni Zacarias tungkol kay Josue at ng Anghel ay naaangkop sa kakaibang puwersa sa karanasan ng bayan ng Diyos sa pagtatapos ng dakilang araw ng pagbabayad-sala. Ang nalabing iglesya ay dadalhin sa malaking pagsubok at pagkabalisa. Iyong mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at may pananampalataya ni Jesus ay madarama ang galit ng dragon at ng kanyang mga hukbo. Binibilang ni Satanas ang sanlibutan bilang kanyang nasasakupan, nakontrol niya ang mga tumalikod na iglesya; ngunit narito ang isang maliit na samahan na lumalaban sa kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Kung kaya niyang lipulin ang mga ito sa lupa, magiging ganap ang kanyang tagumpay. Gaya nang naimpluwensyahan niya ang mga paganong bansa upang sirain ang Israel, gayundin niya pupukawin, sa malapit na hinaharap, ang masasamang kapangyarihan ng mundo upang sirain ang bayan ng Diyos. Ang lahat ay uutusang sumunod sa batas ng tao na lumalabag sa banal na utos. Ang mga magiging matapat sa Diyos at sa gawain ay babantaan, tutuligsain, at pagbabawalan. Sila’y “ipagkakanulo maging ng mga magulang at mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan.” PnL

Ang kanilang tanging pag-asa ay nasa habag ng Diyos; ang kanilang tanging depensa ay ang panalangin. Habang nakikiusap si Josue sa harap ng Anghel, gayundin ang nalalabi na iglesya, na may bagbag na puso at matapat na pananampalataya, ay hihingi ng kapatawaran at paglaya sa pamamagitan ni Jesus na kanilang Tagataguyod. Ganap ang kamalayan nila sa kasalanan ng kanilang buhay, nakikita nila ang kanilang kahinaan at ang pagkahindi karapat-dapat, at habang tinitingnan nila ang kanilang sarili, sila’y nawawalan ng pag-asa. Ang manlilinlang ay nakatayo upang akusahan sila, habang siya’y tumatamayo upang pigilan si Josue. Tinuturo niya ang kanilang maruming kasuotan, ang kanilang masasamang likas. Inilahad niya ang kanilang kahinaan at kamangmangan, ang kanilang mga kasalanan ng kawalang-kasiyahan, ang kanilang di-pagkakatulad kay Cristo, na lumapastangan sa kanilang Manunubos. Sinusubukan niyang pukawin ang kaluluwa sa pag-iisip na ang kanilang kaso ay walang pag-asa, na ang mantsa ng kanilang karumihan ay hindi kailanman mahuhugasan. Inaasahan niyang masisira ang kanilang pananampalataya upang sila’y sumuko sa kanyang mga tukso, tumalikod mula sa kanilang katapatan sa Diyos, at tatanggapin ang marka ng hayop. PnL

Hinihimok ni Satanas sa harap ng Diyos ang kanyang mga akusasyon laban sa kanila, na nagpapahayag na sa kanilang mga kasalanan ay pinawalang-bisa ang banal na proteksyon, at inaangkin ang karapatang sirain sila bilang mga nagkasala. Hinahatulan niya ang mga ito bilang karapat-dapat na gaya niya na mabubukod mula sa pabor ng Diyos. “Ito ba,” ang sabi niya, “ang mga tao na dapat mag-puwesto sa langit at sa lugar ng mga anghel na nakiisa sa akin?— Testimonies For The Church, vol. 5, pp. 472, 473 PnL