Pauwi Na Sa Langit

190/364

Ang Diyos Ay Nagsasalita, Hulyo 9

Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na Ako ang Diyos. Awit 46:10. PnL

Sa mga sandali ng matahimik na pananalangin, si Jesus sa Kanyang buhay sa sanglibutan ay tumanggap ng karunungan at kapangyarihan. Hayaang ang mga kabataan ay sumunod sa Kanyang halimbawa sa paghanap sa madaling araw at takipsilim ng isang matahimik na panahon ng pakikipag-ugnayan sa Ama sa langit. At sa buong araw ay kanilang itaas ang kanilang mga puso sa Diyos. Sa bawat hakbang sa ating daan ay Kanyang sinasabi, “Sapagkat Ako, ang Panginoon mong Diyos, ang humahawak ng iyong kanang kamay, . . . Huwag kang matakot, ikaw ay Aking tutulungan.” Isaias 41:13. Kung matututuhan lamang ng ating mga kabataan ang mga aral na ito sa simula ng kanilang mga taon, anong kasariwaan at kapangyarihan, anong ligaya at tamis, ang madadala sa kanilang mga buhay! PnL

Ito’y mga aral na sila lang na natuto nito ang tanging makapagtuturo. Ito’y dahil maraming mga magulang at mga guro ang nagpapakilalang naniniwala sa salita ng Diyos habang itinatanggi ito ng kanilang buhay, kung kaya walang epekto sa mga kabataan ang aral ng Kasulatan. May mga pagkakataong nadadala ang mga kabataan na makadama ng kapangyarihan ng salita. Kanilang nakikita ang kahalagahan ng pag-ibig ni Cristo. Kanilang nakikita ang kagandahan ng Kanyang karakter, ang posibilidad ng buhay na ibinigay sa paglilingkod sa Kanya. Ngunit sa kabaligtaran ay kanilang nakikita ang buhay noong mga nagpapakilalang gumagalang sa kautusan ng Diyos. O gaano karami ang nagiging totoo sa kanila ang mga salitang sinasabi ni propeta Ezekiel: PnL

Ang iyong bayan “na sama-samang nag-uusap tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, na nagsasabi sa bawat isa sa kanyang kapatid, Pumarito ka, at pakinggan mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon. Dumating sila sa iyo na gaya ng pagdating ng bayan, at sila’y nagsisiupo sa harapan mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinirinig ang iyong mga salita, ngunit hindi nila ginagawa.” (Ezekiel 33:30, 31.) PnL

Mahalagang bagay ang ituring ang Biblia na isang aklat na may mabuting aral na nagtuturo ng moral, na dapat sundin habang ito’y sumasang-ayon sa espiritu ng panahon at sa ating posisyon sa sanglibutan; at iba pang bagay na ituring ito sa kung ano nga ba ito—ang salita ng buhay na Diyos, ang salita na siyang ating buhay, ang salita na huhugis sa ating mga kilos, mga salita, at ating mga pag-iisip. Ang manghawak sa salita ng Diyos na hindi ayon dito ay pagtanggi rito. At ang pagtangging ito niyaong mga nag-aangking naniniwala rito ang pangunahin sa maraming dahilan ng pagaalinlangan at hindi pagtatapat ng mga kabataan. . . . PnL

Marami, kahit sa mga panahon ng kanilang seremonyang panrelihiyon ang hindi nakatatanggap ng pagpapala ng totoong pakikipag-ugnayan sa Diyos. Sila’y masyadong nag-aapura. May pagmamadaling hakbang na nagtutungo sila paikot sa mapagmahal na presensya ni Cristo, at marahil ay sandaling tumitigil sa loob ng mga banal na saklaw, ngunit hindi maghihintay ng payo. Wala silang panahon para manatili kasama ng Banal na Tagapagturo.— Education , pp. 259, 260. PnL