Pauwi Na Sa Langit

189/364

Ang Malaking Pangangailangan Ng Sanlibutan, Hulyo 8

Sinong aakyat sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa Kanyang dakong banal? Siyang may malilinis na kamay at may pusong dalisay, na hindi nagtataas ng kanyang kaluluwa sa hindi totoo, at hindi sumusumpa na may panlilinlang. Awit 24:3, 4. PnL

Ang makapangyarihang katotohanan na gaya ng inihayag sa mga lalaking ito [Jose at Daniel], ay ninanais ng Diyos na maihayag sa mga kabataan at mga anak sa kasalukuyan. Ang kasaysayan ni Jose at ni Daniel ay naglalarawan ng gagawin ng Diyos para doon sa mga nagsuko ng kanilang sarili sa Kanya at ang kanilang buong puso ay nagsisikap na gawin ang Kanyang layunin. PnL

Ang pinakamalaking pangangailangan ng sanglibutan ay ang pangangailangan sa mga lalaki at babae na hindi mabibili o maipagbibili, silang sa kaloob-looban ng kanilang mga kaluluwa ay totoo at tapat, iyong mga hindi natatakot tawagin ang kasalanan sa tamang pangalan nito, iyong sa kanilang mga konsyensya ay totoo sa kanilang tungkulin na gaya ng kumpas, silang nananatili sa tama bumagsak man ang langit. PnL

Ngunit ang ganoong karakter ay hindi resulta ng isang aksidente. Hindi ito dahil sa isang espesyal na pabor o pagkakaloob ng Diyos. Ang isang marangal na karakter ay resulta ng disiplina sa sarili, ng pagpapasakop ng mababa sa nakatataas na likas—ang pagpapasakop ng sarili para sa paglilingkod ng pag-ibig sa Diyos at sa iba. PnL

Dapat maunawaan ng mga kabataan na ang kaloob sa kanila ay hindi sa kanilang sarili. Ang lakas, panahon, talino, ay mga ipinahiram na yaman. Pag-aari ito ng Diyos, at dapat na maging desisyon ito ng mga kabataan na gamitin ito sa pinakamataas na kapakinabangan. Ang mga kabataan ang mga sanga, kung saan umaasa ang Diyos ng bunga; mga katiwala, kung saan ang puhunan ay dapat magkaroon ng tubo; mga ilawan, para liwanagan ang madilim na sanlibutan. PnL

Lahat ng mga kabataan, lahat ng mga anak, ay may gawain para sa karangalan ng Diyos at sa pagtataas ng sangkatauhan. PnL

Ang mga unang taon ni propeta Elisha ay nagdaan sa matahimik na buhay sa bukid, sa ilalim ng pagtuturo ng Diyos at ng kalikasan at ng kapakipakinabang na gawain. Sa panahon ng halos pangkalahatang pagtalikod, ang sambahayan ng kanyang ama ay kasama sa bilang niyaong mga hindi yumukod kay Baal. Sa kanila ay isang tahanan kung saan ang Diyos ay pinararangalan at kung saan ang katapatan sa tungkulin ang pamantayan ng araw-araw na buhay. PnL

Anak ng isang mayamang magbubukid, ginawa ni Elisha ang trabahong pinakamalapit. Habang mayroong kakayahan ng pagiging lider sa mga tao, tumanggap siya ng pagsasanay sa pangkaraniwang mga tungkulin. Para makapangunang may karunungan, dapat siyang matutong sumunod. Sa pamamagitan ng katapatan sa mga maliliit na mga bagay, naging handa siya sa higit na mabigat na pagkakatiwala.— Education , pp. 57, 58. PnL