Pauwi Na Sa Langit

174/364

Dobleng Manna, Hunyo 23

Nang ikaanim na araw, pumulot sila ng pagkain na doble ang dami. Exodo 16:22. PnL

Sa ikaanim na araw ang mga tao ay nagtipon ng dalawang omer bawat tao. Ang mga pinuno ay nag-apura upang ipaalam kay Moises kung ano ang nangyari. Ang kanyang sagot ay, “Ito ang sinabi ng Panginoon, Bukas ay taimtim na pagpapahinga, banal na Sabbath sa Panginoon.” . . . PnL

Hinihiling ng Diyos na ang Kanyang banal na araw ay may kabanalang ipangilin ngayon kung paano noong panahon ng Israel. Ang utos na ibinigay sa mga Hebreo ay dapat na ituring ng lahat ng Cristiano bilang isang utos mula kay Yahweh para sa kanila. Ang araw bago ang Sabbath ay dapat na gawing araw ng paghahanda, upang ang lahat ng bagay ay handa na para sa mga banal na oras nito. Sa anumang dahilan na ang ating pangangalakal ay pahintulutang umagaw sa banal na oras. Iniutos ng Diyos na alagaan mga maysakit at naghihirap; na ang trabahong hinihiling upang paginhawain sila’y isang gawain ng awa, at hindi paglabag sa Sabbath; ngunit ang lahat ng di-kinakailangang gawain ay dapat iwasan. Marami ang walang-ingat na inilalagay ang mga maliliit na bagay sa pasimula ng Sabbath na maaari sanang ginawa sa araw ng paghahanda. Hindi dapat ganito. Ang gawaing kinalimutan hanggang sa pasimula ng Sabbath ay dapat na panatilihing hindi tapos hanggang hindi ito lumipas. Ang ganitong gawain ay maaaring makatulong sa memorya ng mga taong malilimutin, at gawin silang maingat sa paggawa ng kanilang sariling gawain sa anim na araw ng paggawa. PnL

Sa bawat linggo sa loob ng mahaba nilang paglalakbay sa ilang, nakasaksi ang mga Israelita ng tatlong milagro, na ginawa upang maikintal sa kanilang mga isipan ang kabanalan ng Sabbath, dobleng dami ng manna ang bumagsak sa ikaanim na araw, wala sa ikapito, at ang bahaging kailangan sa Sabbath ay pinipreserbang masarap at dalisay, at kapag nagtago sila sa ibang oras ito’y hindi na puwedeng kainin. PnL

Sa mga pagkakataong nakaugnay sa pagbibigay ng manna, mayroon tayong makatuwirang katibayan na ang Sabbath ay hindi itinatag, gaya ng inaangkin ng marami, nang ibigay ang kautusan sa Sinai. Bago pa dumating ang mga Israelita sa Sinai, nauunawaan nilang ang Sabbath ay katungkulan nila. Sa pag-oobliga na magtipon tuwing Biyernes ng dobleng dami ng manna bilang paghahanda sa Sabbath, dahil walang babagsak, ang likas na kabanalan ng araw ng pahinga ay patuloy na idinidiin sa kanila. At kapag may ilang taong lumabas sa araw ng Sabbath para magtipon ng manna, itanatanong ng Panginoon, “Hanggang kailan ninyo tatanggihan na tuparin ang Aking mga utos at ang Aking mga batas.”— PATRIARCHS AND PROPHETS, pp. 295-297. PnL