Pauwi Na Sa Langit
Mga Paghahanda Sa Sabbath, Hunyo 22
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Exodo 20:8. PnL
Sa pinakasimula ng ikaapat na utos ay sinabi ng Panginoon: “Alalahanin.” Alam Niyang sa gitna ng maraming alalahanin at kabalisahan, tayo’y matutuksong magdahilan para matakasan ang buong alituntunin ng kautusan, o kalimutan ang banal na kahalagahan nito. Kaya Kanyang sinabi: “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal.” (Exodo 20:8.) PnL
Sa buong sanlinggo ay dapat nating isaisip ang Sabbath at gumagawa ng paghahanda upang ingatan ito ayon sa utos. Hindi lang natin dapat sundin ang Sabbath bilang legal na bagay. Dapat nating unawain ang espirituwal na kahalagahan nito sa lahat ng mga transaksyon ng buhay. Lahat ng nagpapahalaga sa Sabbath bilang isang tanda sa kanila at sa Diyos, na nagpapakitang Siya ang Diyos na nagpapabanal sa kanila, ay magiging kinatawang mga prinsipyo ng Kanyang pamahalaan. Araw-araw nilang isasakabuhayan ang mga kautusan ng Kanyang kaharian. Araw-araw nilang magiging panalangin na manatili sa kanila ang pagpapabanal ng Sabbath. Araw-araw ay makakasama nila si Cristo at makapagpapakita ng kasakdalan ng Kanyang karakter. Araw-araw magniningning ang kanilang liwanag sa iba sa pamamagitan ng mabubuting gawa. PnL
Sa lahat na may kinalaman sa tagumpay ng gawain ng Diyos, ang mga pinakaunang tagumpay ay dapat mapanalunan sa buhay sa tahanan. Dito dapat magpasimula ang paghahanda sa Sabbath. Sa buong sanlinggo hayaang maalaala ng mga magulang na ang kanilang tahanan ang maging paaralan kung saan dapat maihanda ang kanilang mga anak para sa mga bulwagan sa itaas. Hayaang maging tamang salita ang kanilang mga salita. Walang mga salitang hindi dapat marinig ng kanilang mga anak ang lalabas sa kanilang mga labi. Hayaang mapanatiling malaya ang espiritu mula sa pagkainis. Ang mga magulang, sa buong sanlinggo ay mabuhay na parang nasa harap ng banal na Diyos, na nagbigay sa iyo ng mga anak upang sanayin para sa Kanya. Sanayin para sa Kanya ang maliliit na iglesya sa iyong tahanan, upang sa Sabbath ay maging handa sa pagsamba sa santuwaryo ng Panginoon. Tuwing umaga at gabi ay iharap ang iyong mga anak sa Diyos bilang mga manang tinubos sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Turuan silang ito ang kanilang pinakamataas na tungkulin at pribilehiyong mahalin at paglingkuran ang Diyos. . . . PnL
Kapag naalaala ang Sabbath nang gayon, ang pansamantala ay hindi pahihintulutang makalapit sa espirituwal. Walang katungkulang nauukol sa anim na araw na paggawa ang maiiwan para sa Sabbath. Sa buong sanlinggo, ang ating mga lakas ay hindi dapat na maubos sa mga pansamantalang gawain upang ang araw na kung saan ang Panginoon ay angpahinga at naginhawaan, na tayo’y lubhang pagod na para gumawa sa paglilingkod sa Kanya.— Testimonies For The Church , vol. 6, pp. 353, 354. PnL