Pauwi Na Sa Langit
Ang Sampung Utos, Na Nasa Sentro Ang Sabbath, Hunyo 13
At sa loob ng kaban ay iyong ilalagay ang tipan na aking ibibigay sa iyo. Exodo 25:21. PnL
Ngunit binigyan ako ng Panginoon ng isang tanawin ng santuwaryo sa langit. Ang templo ng Diyos ay bukas sa langit, at ipinakita sa akin ang kaban ng Diyos na tinakpan ng upuan ng awa. Dalawang anghel ang nakatayo sa magkabilang dulo ng kaban, na ang kanilang mga pakpak ay nakabuka sa ibabaw ng trono ng awa, ang kanilang mga mukha ay magkaharap. Ito, ayon sa sumasama sa aking anghel, ay kumakatawan sa lahat ng hukbo sa langit na tumitingin na may paggalang sa kautusan ng Diyos, na isinulat ng mga daliri ng Diyos. PnL
Inalis ni Jesus ang takip ng kaban, at nakita ko ang dalawang tapyas ng bato kung saan nakasulat ang sampung utos. Namangha ako habang nakikita ko ang ikaapat na utos sa pinakagitna ng sampung utos, na may malamig na ningning ng liwanag na nakapaligid dito. Sinabi ng anghel, “Ito lang sa ang nag-iisa sa sampung utos na naglalarawan sa buhay na Diyos na lumikha ng langit at ng lupa at ng lahat ng narito.” PnL
Nang ilatag ang pundasyon ng lupa, doon din inilagay ang pundasyon ng Sabbath. Ipinakita sa akin na kung naingatan lang ang tunay Sabbath, wala na sanang taong lilo o ateista kailanman. PnL
Ang ikaapat na utos ay niyurakan, kaya tayo’y tinawagan upang ayusin ang nasirang kautusan at manawagan para sa nilapastangan na Sabbath. Ang taong makasalanan, na nagtaas ng kanyang sarili na mas mataaas sa Diyos, at nag-isip na baguhin ang mga panahon at kautusan, ay nagpalit ng Sabbath mula sa ikapito tungo sa unang araw ng sanlinggo. Sa paggawa nito, siya’y gumawa ng pagsira sa kautusan ng Diyos. Bago pa lang dumating ang dakilang araw ng Diyos, isang mensahe ang isunugo para babalaan ang mga tao na bumalik sa kanilang katapatan sa kautusan ng Diyos, na sinira ng anti-cristo. Kailangan ng pagpansin sa pagsira sa kautusan, sa pamamagitan ng mga alituntunin at halimbawa. . . . PnL
Ipinakita sa akin na ang ikatlong anghel na nagpapahayag ng kautusan ng Diyos at ng pananampalataya ni Jesus, ay kumakatawan sa bayan na tumanggap ng mensaheng ito, at itinataas ang tinig ng babala sa mundo para sundin ang mga utos ng Diyos at ang Kanyang utos bilang pangunahin sa lahat, at bilang pagtugon sa babalang ito, marami ang tatanggap sa Sabbath ng Panginoon.— Life Sketches Of Ellen G. White, pp. 95, 96. PnL