Pauwi Na Sa Langit

163/364

Ang Pagsunod Ay Bunga Ng Pag-Ibig, Hunyo 12

Siyang mayroon ng aking mga utos at tinutupad ang mga iyon ay siyang nagmamahal sa Akin. Juan 14:21. PnL

Silang mga may inklinasyong gumawa ng mataas na paghahayag ng kabanalan ay hayaang tumingin sa salamin ng kautusan ng Diyos. Sa kanilang pagtingin sa mga mas malawak pag-aangkin nito, at pag-unawa sa gawain nito bilang nakaiintindi ng mga isipan at mga layunin ng puso, hindi sila magmamalaki sa kawalan ng kasalanan. . . . PnL

May mga nagpapahayag ng kabanalan, na nagsasabing sila’y lubos na sa Panginoon, na nag-aangkin ng karapatan sa mga pangako ng Diyos, habang tumatanggi sa pagsunod sa Kanyang mga utos. Ang mga lumalabag na ito sa kautusan ay nag-aangkin ng lahat na ipinangako sa mga anak ng Diyos, ngunit hindi ito’y isang kapangahasan sa bahagi nila, sapagkat sinasabi sa atin ni Juan na ang tunay na pag-ibig ng Diyos ay mahahayag sa pagsunod sa lahat ng Kanyang utos. Hindi sapat na maniwala sa teorya ng katotohanan, na magsabi ng pananampalataya kay Cristo, na maniwalang si Cristo ay hindi isang impostor, at ang relihiyon ng Biblia ay hindi isang mandaraya at tusong haka-haka. “Ang nagsasabing, ‘Kilala ko Siya,’ ngunit hindi tinutupad ang Kanyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya. Ngunit ang sinumang tumutupad ng kanyang salita, tunay na naging ganap sa taong ito ang pag-ibig ng Diyos. Sa pamamagitan nito’y nalalaman nating tayo’y sa kanya.” (1 Juan 2:4, 5.) . . . PnL

Hindi itinuro ni Juan na ang kaligtasan ay matatamo sa pamamagitan ng pagsunod; kundi ang pagsunod ay bunga ng pananampalataya at pag-ibig. “Nalalaman ninyo na Siya ay nahayag upang mag-alis ng mga kasalanan; at sa Kanya’y walang kasalanan. Ang sinumang nananatili sa Kanya ay hindi nagkakasala; sinumang nagkakasala ay hindi nakakita sa Kanya, ni hindi nakakakilala sa Kanya.” (1 Juan 3:5, 6.) Kung tayo’y mananatili kay Cristo, kung naninirahan ang pag-ibig ng Diyos sa puso, ang ating mga damdamin, isipan, at pagkilos, ay magiging kaayon sa kalooban ng Diyos. Ang pinabanal na puso ay kaayon sa mga alituntunin ng kautusan ng Diyos. PnL

Marami ang mga taong, bagaman nagsisikap na sumunod sa utos ng Diyos, ay may kaunting kapayapaan o kaligayahan. Ang kakulangang ito sa kanilang karanasan ay bunga ng kabiguang isakabuhayan ang pananampalataya. Sila’y lumalakad na parang nasa isang lupaing may asin, isang tigang na ilang. Kaunti ang inaangkin nila, samantalang puwede silang mag-angkin ng mas marami, sapagkat walang limitasyon sa mga pangako ng Diyos. Ang mga ganito ay hindi tumpak na kumakatawan sa kabanalang nagmumula sa pagsunod sa katotohanan. Gusto ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay maging masaya, mapayapa, at masunurin. Sa pagsasakabuhayan ng pananampalataya ang mananampalataya ay magkakaroon ng mga pagpapalang ito. Sa pamamagitan ng pananampalataya, bawat karumihan ay malilinis, bawat pagkakamali ay maitutuwid, bawat kahusayan ay mapapaunlad.— The Acts Of The Apostles, pp. 562-564. PnL