Pauwi Na Sa Langit
Ang Panalangin At Isang Muling Sumiglang Iglesya, Mayo 31
Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang dakong pinagtitipunan nila at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, at kanilang ipinahayag na may katapangan ang salita ng Diyos. Gawa 4:31. PnL
Ang pagpapanumbalik ng sigla ng tunay na kabanalan sa atin ang pinakadakila at pinakakagyat sa lahat ng ating mga pangangailangan. Ang hanapin ito ang dapat na maging una nating gawain. Dapat magkaroon ng maalab na pagsisikap upang matamo ang pagpapala ng Panginoon, hindi dahil sa ayaw ng Diyos magbigay ng pagpapala sa atin, kundi dahil hindi tayo handang tanggapin ito. Ang ating Amang nasa langit ay mas nagnanais na magbigay ng Kanyang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya, kaysa mga magulang sa lupa sa kanilang pagbibigay ng mabubuting regalo sa kanilang mga anak. Ngunit ito ang ating gawain, sa pamamagitan ng pagpapahayag, pagpapakumbaba, pagsisisi, at taimtim na pananalangin na tuparin ang mga kondisyon na kung saan ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pagpapala. Ang pagpapanumbalik ng sigla ay kailangang asahan lang bilang tugon sa panalangin. Bagaman dukhangdukha ang mga tao sa Banal na Espiritu ng Diyos, hindi nila mapagpahalagahan ang pangangaral ng salita; ngunit kapag kumilos ang kapangyarihan ng Espiritu sa kanilang mga puso, ang mga diskursong ibinigay ay hindi mawawalan ng epekto. Kapag pinatnubayan ng mga aral ng salita ng Diyos, na mayroong paghahayag ng Kanyang Espiritu, sa pagsasagawa ng matibay na pagpapasya, ang mga dumalo sa ating pagpupulong ay magkakaroon ng mahalagang karanasan, at pag-uwi sa tahanan, ay mahahandang magbigay ng nakapagpapalusog na impluwensya. PnL
Alam ng matatandang nangunguna kung ano ang kahulugan ng makipagpunyagi sa Diyos, at masiyahan sa pagbubuhos ng Kanyang espiritu. Ngunit ang mga ito’y lumilipas na sa entablado ng pagkilos, at sino ang papalit sa kanilang lugar? Papaano ito sa umuusbong na henerasyon? Sila ba’y kombertido sa Diyos? Gising ba tayo sa mga gawaing nagaganap sa santuwaryo sa langit, o naghihintay tayo ng isang nag-uudyok na kapangyarihan na maganap sa ating iglesya bago tayo kumilos? Umaasa ba tayong makitang napasiglang muli ang buong iglesya? Hindi kailanman darating ang panahong iyon. PnL
May mga tao sa iglesya na hindi pa kumbertido, at hindi makikisama sa maalab, at nagtatagumpay na panalangin. Dapat indibidwal tayong pumasok sa gawain. Dapat tayong manalangin nang marami, at magsalita nang kaunti. Sumasagana ang kasamaan, at dapat maturuan ang mga tao na hindi masiyahan sa isang porma ng kabanalan na walang espiritu at kapangyarihan. Kung intensyonal tayo sa pagsasaliksik ng ating mga puso, na inaalis ang ating mga kasalanan, at itinutuwid ang mga masama nating hilig, hindi maitatas ang ating mga kaluluwa sa walang-kahalagahan; huwag tayong magtiwala sa ating mga sarili, na mayroong namamalaging pagkadama na ang ating kasapatan ang Diyos. . . . PnL
Naghanda ng kanyang mga pandaraya ang dakilang mandaraya para sa bawat kaluluwang di-natutukuran laban sa pagsubok at nababantayan ng patuloy na pananalangin at buhay na pananampalataya.— Selected Messages, book 1, pp. 121-123. PnL