Pauwi Na Sa Langit
Walang Mahabang Pulong-Panalangin, Mayo 25
Mag-ingat kayo sa mga eskriba, na . . . sa pagkukunwari ay nananalangin sila ng mahaba. Lucas 20:46, 47. PnL
Ang mga pagpupulong para manalangin ay dapat maging pinakakawili-wiling pagtitipon na ginaganap, ngunit karaniwan ay hindi ito maayos na napapamahalaan. Marami ang dumadalo sa pangangaral, ngunit nakalilimot sa pulong para manalangin. Muli, kailangan itong pag-isipan. Ang katalinuhan ay dapat na hilingin sa Diyos, at mga panukala ay dapat na iharap sa pagsasagawa ng pagpupulong upang ang mga ito’y maging kaaya-aya at maganda. Nagugutom ang mga tao sa tinapay ng buhay. Kung natatagpuan nila ito sa pulong para manalangin, sila’y pupunta roon para tumanggap nito. PnL
Ang mahaba, at tuluyang mga pagsasalita at panalangin ay hindi dapat saanmang lugar, at lalo na sa maramihang pagpupulong. Yaong mga malalakas ang loob at laging handang magsalita ay hinahayaang masapawan ang patotoo ng mga mahiyain at mahina ang loob. Yaong mga pinakamapaimbabaw sa pangkalahatan ay maraming masasabi. Ang kanilang mga panalangin ay mahaba at mekanikal. Napapagod nila ang mga anghel at ang mga taong nakikinig sa kanila. Ang ating mga panalangin ay dapat na maiksi at direkta sa punto. Hayaan na ang mahaba, at nakapapagod na petisyon ay maiwan sa silid, kung ang sinuman ay gagawa nito. Papasukin ang Espiritu ng Diyos sa inyong mga puso, at aalisin nito ang lahat ng uri ng tuyong pormalidad. PnL
Idiniin ni Cristo sa Kanyang mga alagad ang isipan na dapat maging maikli ang kanilang mga panalangin, na sinasabi kung ano lamang ang gusto nila, at wala na. Ibinibigay Niya ang haba at nilalaman ng kanilang mga panalangin, na ipinapahayag ang kanilang mga ninanais para sa pansamantala at espirituwal na mga pagpapala, at pasasalamat para sa mga ito. Gaano kaikli ang ganitong halimbawa na panalangin! Sinasakop nito ang aktuwal na kailangan ng lahat. Ang isa o dalawang minuto ay sapat na para sa ordinaryong panalangin. Maaaring may pagkakataon kung saan ang panalangin sa espesyal na paraan ay inudyukan ng Espiritu ng Diyos, na ang mga panalangin ay ginawa ng Espiritu. Ang paghahangad ng kaluluwa ay nagiging paghihirap at daing sa Diyos. Ang espiritu ay nakikipagbuno sa Diyos gaya ni Jacob at hindi ito titigil hangga’t hindi magkaroon ng pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Ganito ang mangyayari ayon sa pahintulot ng Diyos. PnL
Ngunit marami ang nananalangin ng tigang o parang nagsesermon na paraan. Ang mga panalanging ito’y panalanign para sa ibang mga tao, hindi sa Diyos. Kung sila’y nananalangin sa Diyos, at totoong nauunawaan ang kanilang ginagawa, sila’y maaalarma sa kanilang kapangahasan; sapagkat sila’y nagpapahayag ng kanilang diskurso sa Panginoon sa paraan ng pananalangin, na parang ang Manlilikha ng sansinukob ay nangangailangan ng espesyal na kaalaman tungkol sa pangkalahatang mga katanungan patungkol sa mga bagay na nagaganap sa mundo. Ang lahat ng ganitong mga panalangin ay parang isang tansong tumutunog at batingaw na umaalingaw-ngaw. Wala itong halaga sa langit. Napapagod ang mga anghel ng Diyos sa mga ito, gayundin ang mga taong napipilitang makinig sa mga ito.— Counsels For The Church, pp. 292, 293. PnL