Ang Aking Buhay Ngayon

12/275

Manalangin sa Umaga, 11 Enero

O Panginoon, sa umaga ang tinig ko'y Iyong pinapakinggan; sa umaga'y naghahanda ako para sa iyo, at ako'y magbabantay. Awit 5:3 BN 15.1

Ang pinakaunang pagpapahayag ng kaluluwa sa umaga ay nararapat na para sa presensya ni Jesus. “Kung kayo'y hiwalay sa Akin,” sinasabi Niya, “wala kayong magagawa.” Si Jesus ang kailangan natin; ang Kanyang liwanag, ang Kanyang buhay, ang Kanyang espiritu ay kailangang maging patuloy na sumaatin. Kailangan natin Siya sa bawat oras. At dapat tayong manalangin sa umaga na kung papaanong ang araw ay nagbibigay-liwanag sa kalupaan at pinupuno ang sanlibutan ng liwanag, gayundin ang Araw ng Katuwiran ay maaaring lumiwanag sa mga silid ng ating pag-iisip at puso, at gawin tayong lahat na liwanag sa Panginoon. Wala tayong magagawa kahit sa isang sandaling wala ang Kanyang presensya. Nalalaman ng kaaway na kapag iniraos nating gawin ang isang bagay na wala ang ating Panginoon, siya'y naroon, handing punuin ang ating mga pag-iisip ng kanyang masasamang mungkahi para tayo'y mahulog mula sa ating katatagan; ngunit nais ng Panginoon na tayo'y mamalagi sa Kanya sa bawat sandali, at sa gayon tayo'y maging ganap sa Kanya.... BN 15.2

Idinisenyo ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay maging sakdal sa Kanya, upang katawanin natin sa sanlibutan ang kasakdalan ng Kanyang karakter. Nais Niyang tayo'y maging malaya mula sa kasalanan, upang hindi natin mabigo ang Kalangitan, upang hindi natin mapagdalamhati ang ating banal na Manunubos. Hindi Niya nais na ating ipahayag ang pagiging Cristiano, samantalang hindi napapakinabangan ang biyayang nagpapasakdal sa atin, upang tayo'y masumpungang hindi nagkukulang sa anumang bagay. BN 15.3

Ang panalangin at pananampalataya ay makagagawa ng bagay na hindi magagawa ng anumang kapangyarihan sa lupa. Tayo ay madalang na, sa lahat ng mga bagay na napupunta sa parehas na kalagayan nang dalawang beses. Patuloy tayong nagkakaroon ng mga bagong tagpo at bagong pagsubok na kailangang lagpasan, kung saan hindi sasapat na maging gabay ang nakaraang karanasan. Kailangan natin ng patuloy na liwanag na nagmumula sa Diyos. Si Cristo ay palaging nagpapadala ng mga mensahe sa mga nakikinig ng Kanyang tinig. BN 15.4

_______________

Bahagi ng panukala ng Diyos na ibigay sa atin, bilang kasagutan sa panalanging may pananampalataya, ang mga bagay na hindi Niya maipagkakaloob kung hindi natin hinihingi. BN 15.5