Ang Aking Buhay Ngayon
Nagbibigay ang Diyos ng Kapahgyarihan Para Mabata ang Bawat Pagsubok, 31 Marso
Walang tuksong dumating sa inyo na hindi karaniwan sa tao, subalit tapat ang Diyos, na hindi Niya ipahihintulot na kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay naglalaan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayang tiisin. 1 Corinto 10:13 BN 94.1
Hindi kailanman iiwan ni Cristo ang kaluluwang Kanyang tinubos sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan. Maaaring iwanan Siya ng tao, at mapangibabawan ng tukso; ngunit hindi kailanman tatalikod si Cristo sa isang taong Kanyang binayaran ng Kanyang sariling buhay. Kung magigising lang ang ating espirituwal na paningin, makikita natin ang mga kaluluwang nakayuko sa kahirapan at nabibigatan sa pagkalumbay, na napipitpit na gaya ng isang kariton sa ilalim ng mga bigkis at nakahanda nang mamatay sa pagkasira ng kalooban. Makikita natin ang mga anghel na mabilis na lumilipad upang tulungan ang mga natutuksong itong nakatayo sa gilid ng bangin. Pinapaatras ng mga anghel ang hukbo ng kasamaang nakapalibot sa mga kaluluwa, at sila'y ginagabayan na itanim ang kanilang mga paanan sa tiyak na pugalan. Ang mga pakikipaglaban sa pagitan ng dalawang hukbo ay kasing totoo ng paglalaban ng mga hukbo ng sanlibutang ito, at ang walang-hanggang kapalaran ay nakasalalay sa isyu ng espiritwal na laban. BN 94.2
Para sa atin, gaya rin kay Pedro, binibigkas ang salitang, “hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng trigo, subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala.” Salamat sa Diyos, hindi tayo pinabayaang mag-isa. BN 94.3
Tayo ay paparating sa krisis. Buong loob tayong manindigan sa pagsubok, na humahawak sa kamay ng Walang-Hanggang Kapangyarihan. Gagawa ang Diyos para sa atin. Kailangan lang nating mabuhay ng paisa-isang araw, at kung makikilala natin ang Diyos, bibigyan Niya'tayo ng kalakasan para sa darating sa kinabukasan, biyayang sapat sa bawat araw, at araw-araw makatatagpo tayo ng mga tagumpay kuhg.paano ring dumarating ang mga pagsubok nito. Magkakaroori tayo ng kapangyarihan ng Pinakamataas, sapagkat tayo'y mararamtan ng baluti ng katuwiran ni Cristo. Nasa atin ang Diyos na gumawa rin para sa Kanyang bayan sa nakalipas. Nasa panig natin si ]esus, at manghihina pa ba tayo? Hindi, sa pagdating ng mga pagsubok, ang kapangyarihan ng Diyos ay darating kasama nito. Tutuluhgan tayo ng Diyos na manindigang may pananampalataya sa Kanyang Salita, at kung tayo'y magkakaisa, makagagawa Siyang may tanging kapangyarihan para sa atin. BN 94.4